Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sobrang inis sa sarili dahil walang pasensiya at palaging galit

September 14, 2019

 

 

 

Dear Roma,

Ako si Mikee, 24 years old. Naiinis ako sa sarili ko dahil madalas ay hindi ko makontrol ang galit ko. Napakaikli ng pasen­siya ko at kahit alam kong kailangan kong maging mapagpasensiya, hindi ko maiwasang mapuno lalo na kung mga below the belt ang mga naririnig o ginagawa sa akin ng iba. Roma, ano ang dapat kong gawin? — Mikee

 

Mikee,

Sa totoo lang, kahit anong haba ng pasensiya mo, kung mga below the belt na ang sinasabi sa iyo ng ibang tao, hindi mo mapi­pi­gilan pa ang sarili mo. Nor­mal lang na magalit o mainis dahil tao tayo na nasasak­tan din. Ang hindi normal, eh, ‘yung magpapa­lamon tayo sa galit natin. ‘Yung ti­pong galit na lang ang da­hilan kaya ka nagpa­patuloy ng buhay dahil gusto mong gumanti.

Hindi rin natin dapat sanayin ang ating sarili na magpakontrol sa ating emosyon. Kailangan nating maging mapagpasensiya dahil hindi lahat ng bagay o salitang ginagawa  o sina­sabi natin ay kayang i-take ng iba.

Makatutulong kung pa­lagi mong isasaisip na ma­raming tao sa paligid mo na nagpapasensiya  din  sa mga katangian mo bilang taong hindi perpekto. Sa ganitong paraan, matututunan mong habaan ang pasensiya mo. God bless!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr