Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Proxy ng homeowners’ member, puwedeng bumoto sa meeting

September 14, 2019

Dr. Persida V. Rueda-Acosta / Magtanong Kay Attorney

 

 

     

Dear Chief Acosta,

Ako ay miyembro ng maliit na homeowner’s association sa aming lugar. Nais ko sanang bumoto para sa parating na association meeting namin, pero kailangan kong umuwi sa probinsiya sa araw na ‘yun. Maaari ba akong bumoto sa pamamagitan ng proxy dahil hindi ako makapupunta nang personal sa nasabing meeting? — Andrew

 

Dear Andrew,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 16 ng Republic Act No. 9904 na mas kilala bilang “Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations” kung saan nakasaad:

 

“Section 16. Proxies. - Association members may vote in person or by proxy in all meetings of members. Proxies shall be in writing, signed by the member and filed before the scheduled meeting with the association secretary. Unless otherwise provided in the proxy, it shall be valid only for the meeting for which it is intended. No proxy shall be valid and effective for a period longer than three (3) years at any one time unless earlier revoked by the member.”

 

Ibig sabihin, ang association members ay maaaring bumoto nang personal o sa pamamagitan ng proxy sa lahat ng mga meetings ng mga miyembro. Ang kasun­duan o proxy ay nararapat na nakapaloob sa kasulatan at pirmado ng miyembro ng association at naisumite sa secretary ng homeowner’s association bago maganap ang scheduled meeting. Maliban na lang kung may nakasaad na sa ibang istipulasyon, ang pagboto sa pamamagitan ng proxy ay para lamang sa nakasaad na meeting at ang alinmang proxy ay maaari lamang gamitin nang hindi hihigit sa tatlong taon. Samakatwid, maaari kayong bumoto sa pamamagitan ng proxy sa papalapit na association meeting, pero nararapat ninyong sundin ang nasabing mga alituntunin.

 

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr