Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pagbubuntis sa edad 35 pataas, maaaring dahilan ng autism ng anak

September 14, 2019

Shane M. Ludovice, M.D / Sabi ni Doc

 

 

 

 

Dear Doc. Shane,

Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa autism? Totoo bang kapag late nang nabuntis ang babae, may posibilidad na magkaroon ng autism ang anak nito? — Jeraline

 

Sagot

Ang Autistic Spectrum Disorder (ASD) o Autism ay tinatawag na ‘medical mystery’ ng mga eksperto dahil sa kawalan ng eksaktong kasagutan tungkol sa sakit na ito. Ang autism ay isang uri ng neurological disorder kung saan ang batang mayroon nito ay naaapektuhan ang normal na development ng kanyang utak na nagkakaroon ng problema sa lahat ng aspeto ng kanyang pamumuhay, pakikisama sa kapwa at maging sa komunidad na kanyang ginagalawan.

 

 

Narito ang ilan sa mga sintomas na nakikita sa unang taon ng pagkapanganak ng bata:

  • Hindi tumitingin sa kaharap kapag tinatawag ang kanyang pangalan o kinakausap.

  • Kawalan ng reaksiyon kapag may sinasabi o ikinukuwento sa kanya.

  • Hindi nakasusunod sa mga ipinagagawa tulad ng pagturo sa larawan o pagkuha ng bagay at paggaya ng salita.

Kapag umabot ang bata sa edad na 2 hanggang 3, nagsisimulang makitaan ng tinatawag na regression o pag-urong ng mga normal na gawain ng bata na ayon sa kanyang edad. Kung ang normal na batang may edad na 2 hanggang 3 ay madaling matutong humawak ng mga laruan o umakyat ng hagdan, nag-aaral kumain at maglakad, ang mga batang autistic ay hindi agad natututo nito dahil ang pag-develop ng kanilang utak ay mabagal.

 

Narito ang ilan sa mga posibleng dahilan na maaaring makaapekto sa pag-iisip ng bata:

  • Kumplikadong pagbubuntis

  • Edad ng ina na 35 pataas

  • Gamot na iniinom ng ina

  • Pagdurugo

  • Genetic

  • Viral infections

  • Iba’t ibang environmental reasons

Ang ASD at iba pang uri ng mental retardation ay panghabambuhay na sitwasyon na dadalhin ng mga magulang at pamilya. Pero, sa kabila ng karamdamang ito, sila ay maaari pa ring mamuhay na parang normal at lumaki na hindi pabigat sa lipunan. Kakaiba man ang kanilang mundong ginagalawan at iba man ang paraan ng pagpapakita ng kanilang emosyon at reaksiyon, mayroon pa rin silang kapasidad na magmahal, umiyak at masaktan kaya hindi natin sila dapat kutyain, tuksuhin, ikahiya at kamuhian.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr