Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Natutulog nang masama ang loob, binabangungot

September 14, 2019

Socrates Magnus

 

  

 

     

Salaminin natin ang panaginip ni Emcee ng Emcee_Enepi@facebok.com

 

Dear Professor,

Lagi kong napananaginipan ang mga tiyahin ko, kahit ‘yung patay na ay gayundin. Masama ang loob ko sa kanila.

Ano ang ibig sabihin nito?

Maraming salamat!

 

Naghihintay,

Emcee

 

Sa iyo Emcee,

Ganito ang nasusulat, bago ka matulog, patawarin mo ang kapatid mong nagkasala sa iyo. Ang nabanggit na banal na utos ay wala yatang nakatutupad. Minsan, nakapagtataka, utos nang utos si Lord pero, ang mga iniuutos Niya ay na­pakahirap sundin, as in, walang sumusunod.

 

Kaya lang, sabi nga, si Lord ang tunay na nakaaalam kung ano ang dapat at hindi dapat gawin habang tayong mga tao, puwede nating malaman kung ano ang mabuti at masama.

 

Sabi ng mga eksperto, mas magandang matulog nang walang sama ng loob sa puso’t isipan. Ang mga salitang ‘yan ay madaling paniwalaan. Ang mahirap paniwalaan ay ang dagdag na kaalaman mula sa mga dalubhasa kung saan ang sabi nila, puwedeng bangungutin ang matutulog nang mabigat ang kalooban.

 

Narinig mo na ba ang kuwento ng mga binangungot? Hindi ba, ang sabi nila, parang may mabigat na dumadagan sa katawan nila kaya  hindi sila makakilos at makagalaw?

 

Parang tama ang mga dalubhasa sa pagsasabing dapat matulog nang walang sama ng loob.

 

Kaya, kahit mahirap sundin ang nasusulat, patawarin mo na ang iyong mga kamag-anak sa kasalanang nagawa nila sa iyo.

 

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr