Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mr. & Ms. Great Bodies 2019, 100 candidates ang tinalo

September 14, 2019

Bulgarific

 

     

 

       

 

 

 

Hello, Bulgarians! Kinakailangan ng sipag at tiyaga para ma-achieve ang great body na ating inaasam kaya naman sobrang nakaka-inspire ang mga kandidato sa katatapos lamang na Great Bodies 2019 ng Slimmers World na ginanap sa Resorts World Manila.

 

Mula sa 100 kandidato, 28 lamang ang nakarating sa grandfinals. Lahat ay nagpamalas ng galing sa pagpe-flex ng kanilang mga muscles at ito ay bunga ng kanilang healthy lifestyle. Ipinagmalaki ng lahat ang kanilang katawan na kanilang pinaghirapan kaya sobrang fitspiration ito dahil may kani-kanya silang pinagdaanan bago nila ito na-achieved.

 

Ngunit, dalawa lamang sa 28 kandidato ang hinirang na Mr. & Ms. Great Bodies 2019. Nasungkit nina Ernest Rico Sto. Tomas at Giselle Andrea Gapay ang kampeonato samantalang, sinundan ito nina Terry Henryk Surjan at Leila Ceballos bilang first runner-up at Ithan Najafi at Rain Tejano bilang second runner-up.

 

Walang umuwing luhaan dahil sa mga ipinakita nilang achievement sa kanilang katawan na dadalhin nila nang pangmatagalan. Kaya naman, congratulations sa lahat ng nanalo at maging fitspiration kayo sa lahat!

 

♥♥♥

 

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

 

Got to go! It’s so Bulgarific!

 

xoxo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr