Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Lumaya dahil sa GCTA.. Mga sumukong preso, hindi ibinabalik sa selda

September 14, 2019

 

Tumaas na sa kabuuang 323 inmates ang boluntaryong sumuko sa mga police station sa Metro Manila kabilang na sa mga lalawigan kung saan  ilan sa mga ito ay nasa pangangalaga na ng Bureau of Corrections (BuCor). 


Ang mga ito ay una nang nakinabang at napalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).  Ayon kay Spokesman Sonny del Rosario, inaasahang madaragdagan pa ang naturang bilang.


Binigyang-linaw naman ni Del Rosario na hindi na ibinabalik sa selda o sa pinanggalingang compound ang mga sumuko, bagkus ay may holding area sa New Bilibid Prison (NPB) at doon sila maghihintay habang gumugulong ang imbestigasyon sa GCTA at kinukuwentang muli ang kanilang sentensiya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr