Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Libreng bigas palit sa 4Ps ng DSWD, pansagip sa mga luging magsasaka

September 14, 2019

Kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilhin ang palay ng mga magsasaka, inaasahang babaha ng murang bigas.

 

Ayon sa Department of Agriculture  (DA), ikakalat ang 3.6 milyong sako ng National Food Authority (NFA) rice para bumaba sa P27 ang presyo ng kada kilo.

 

Kapag naibenta sa retail price na P27 per kilo, kikita ang ahensiya ng P4.86 bilyon na gagamitin sa pagbili ng mga palay ng mga mag­sasaka.

 

Kung saan nais ng ahensiya na tumaas sa P19 mula P17 ang bentahan ng palay ng local farmers.

 

Kaugnay nito, bababa rin umano sa rasonableng presyo ang commercial rice na mula P40 ay magiging nasa pagitan ng P32 at P34 kada kilo na lang.

 

Nakikiisa rin dito ang iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sa ha­lip na P600 cash, bigas na ang ibibigay sa mga beneficiary ng Pan­tawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

Maaari silang bumili sa mga lokal na pamahalaan o sa NFA para may tiyak na market ang mga magsasaka para sa kanilang pro­dukto.

 

Matatandaang, iniutos ng pangulo na bilhin ang palay ng mga magsasaka makaraang bumagsak sa P7 hanggang P10 ang ben­tahan na sinasabing epekto ng bagong batas.

 

Kumbaga, “hitting two birds with one stone” ang kautusang ito. Makikinabang ang taumbayan sa murang bigas habang maka­kabenta naman ang ating mga magsasaka.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr