Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Horoscope | Setyem­bre 14, 2019 (Sabado)

September 14, 2019

 Maestro Honorio Ong

 

   

Sa may Kaarawan ngayong Setyem­bre 14, 2019 (Sabado): Ang simbolo ng araw na ito ng iyong pagsilang ay nagsa­sabing, mula sa wala, ikaw ay magkakaroon. Ito ang totoo at ang iba ay mga pamahiin lamang. 

 

               

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Umiwas ka sa mga walang ma­gawa kun­di  pin­tasan ang kapwa. Ma­hirap paniwalaan pero, ang bawat pintas nila ay kasiraan ng kanilang pag­katao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula sa abo, lumabas ang pagkaganda-gandang ibon. Kaya dapat bawat tao ay maniwala na kapag nabigo, ikaw ay mag­babago sa iyong pagkaba­ngon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-11-17-20-21-25-37.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nadarapa ang sobrang ma­bilis, nakikita naman ng mabagal ang mga hadlang at sagabal sa kanyang daraanan. Ikaw ay dapat mapabilang sa huli nang hindi ka na muli pang masaktan. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-26-39-40-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nakakakaba sa panig mo ang mga araw na darating pero, wala kang dapat ipag-alala dahil nang minsan kang kabahan, ma­gagandang kapalaran ang nagdatingan sa iyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-27-30-35-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­na­nariwa ang mga puno at ha­laman sa mga ulan. Dumating na ang pa­nanariwa ng iyong kapa­laran at sa huli ay matitik­man mo ang matatamis na bunga ng iyong pagsi­si­kap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-27-30-36-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habaan mo ang pasensiya mo. Sa mga araw na ito, ang mga nakaiinis at nakabubuwisit na tao ay magdidikitan sa iyo. Sila ay mahihina at nagku­kun­wari lang na maraming na­lalaman. Masuwerteng ku­­lay-purple. Tips sa lotto-14-18-25-29-34-36.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mula sa kalung­kutan, ikaw ay tatayo at sa iyong pagtayo, kaligaya­han ang darapo sa iyo na para kang diwata na nakiki­pag­laro sa mga maga­gan­dang pa­ruparo. Masuwer­teng ku­lay-pink.Tips sa lotto-15-19-20-25-38-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sino ang ayaw kumilos dahil tinatalo ng negatibong pananaw pero, itinulak ng kapala­ran kung saan sa huli ay nakahiga sa gintong higa­an? Sino pa nga ba, kundi ikaw! Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-16-22-25-33-38-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit ang nakikita ng mga mata mo ay makakapal na ulap, ituloy mo ang iyong laban sa buhay. Kahit ang Ha­ring Araw ay naglalaho sa gabi pero sumisikat din sa umaga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-25-30-37.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit hin­di ka mang­hu­hula, kaya mong basahin ang kilos at pananalita ng iyong ka­harap. Huwag kang pada­daya at kung puwede, ikaw lang dapat ang makala­mang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-18-21-23-38.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka aatras dahil i­iwas ka lang. Kaunting layo lang at kapag nakita mong nagkamali ang iyong kaaway, lumaban ka. Ito ang sikreto para ma­nalo sa mahigpit na laban. Ma­suwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-16-19-21-25-31-32.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itinatapon ng tao ang basura niya sa katawan. Ito ay nagsasabing, ang mga pabigat sa iyo at ang mga nag­papasakit ng ulo mo ay alisin mo na sa iyong bu­hay. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-22-25-35-36.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr