Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hindi lang masarap na palaman sa tinapay... Mayonnaise, pampaganda ng buhok at pantanggal ng kuto, pampakinis din ng mukha

September 14, 2019

 

 

 

 

 

 

 

Madalas nating ginagamit ang mayon­naise na palaman sa sand­wich, dipping sauce at pang­halo sa salad, pero alam n’yo bang hindi lang ‘yan ang puwede nating paggamitan nito? Keri rin nitong mag-work na pam­pabyuti, kaya sa mga gus­tong magpaganda, pero walang budget, narito ang ilang do-it-yourself (DIY) beauty treatments gamit ang mayonnaise:

 

1. HAIR CONDITIO­NER. Ang mayonnaise ay puwedeng maging alternati­bong hair conditioner, ibabad lamang ang mayonnaise sa buhok nang ilang minuto pag­katapos mag-shampoo. Ito ay may natural na sang­kap kung saan malaki ang ma­itu­tulong para ma-mois­turize ang buhok.

 

2. PANG-FACIAL. Hin­di na kailangan gumastos para pumunta sa derma cli­nic dahil kayang maging ins­tant ‘soothing facial’ ng ma­yonnaise. Ito ay dahil ang egg yolk kung saan gawa ito ay mabisang pampakinis at pampalambot ng balat. Mag­lagay lamang ng sapat na dami sa  mukha, i-massage ito at ibabad nang 20 minuto at pagkatapos ay banlawan ng malamig na tubig at ‘yun na!

 

3. PAMPATIBAY NG MGA KUKO. Kung gusto nating ma-achieve ang ma­ganda at matibay na tubo ng mga kuko, kaya natin itong magawa gamit ang mayon­naise. Sa loob ng li­mang mi­nuto,  ibabad  ang mga kuko sa mayonnaise at pagka­tapos ay banlawan ng mali­gam­gam na tubig.

 

4.  PANG-RELIEVE NG SUNBURN. Dahil na­tural na nakakapag-mois­tu­rize ng balat ang mayon­naise, puwede rin itong pang-re­lieve ng sunburn. Maglagay lamang ng isa hanggang dalawang kutsarita nito sa apektadong bahagi ng ba­lat saka ibabad nang lima hanggang 10 minuto bago banlawan. Pero, tandaan na kapag malala ang skin damage, makabubuti kung lalagyan pa rin ito ng ka­ra­niwang ointment o cream na para sa sunburn.

 

5. PAMATAY NG KUTO.  Alam n’yo ba na ang mayonnaise ay solusyon din sa dyaheng kuto? Inirere­komenda ng maraming der­matologist ang paggamit ng mayonnaise upang patayin at alisin ang mga kuto ng mga bata sa halip na  gumamit ng mga kemikal o over-the-counter na gamot na posib­leng may hindi magandang epekto. I-massage  lamang ang katam­tamang dami nito sa buhok at anit, magsuot ng shower cap at ibabad ito ng overnight.

 

Kinabukasan, gumamit ng mild o baby shampoo na pambanlaw at kapag natuyo na ang buhok ay saka suklayin gamit ang suyod. Gawin ito sa loob ng pito hang­gang 10 araw para mas epektibo.

 

Sabi nila, hang­ga’t kaya ng alternatibo, su­bukan mo muna. Wala namang masama kung ita-try natin ang ilang DIY gamit ang mayonnaise dahil kung epektibo  good, pero kung wa’ epek, oks lang dahil ang presyo nito ay hindi naman masakit sa bulsa.

 

Gets mo?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr