Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Faeldon, 'malas' ang dala sa mga pinaglalagyang puwesto

September 14, 2019

Ka Ambo / Bistado

 

 

 

      

 

 

 

 Nabawasan ng P2 bilyon ang remittance ng mga OFWs mula sa Qatar.

 

‘Yan ang totoong krisis!

 

◘◘◘

 

MAY bagong baby na ipinakilala ang dating child actor na si “Buboy” Villar.

 

Siya raw ang daddy!

 

◘◘◘

 

SA China raw lalaban si Floyd Mayweather, Jr..

 

Ganyan talaga ang duwag!

 

◘◘◘

 

SANGKATERBANG opisyales na ang sinibak sa Bureau of Customs na da­ting pinanggalingan ni ex-BuCor Chief Nicanor Faeldon.

 

Sandamukal din ang nasibak sa BuCor na pinanggalingan din niya.

 

Malamang, nagdarasal ang mga taga-Malacañang na huwag sana siyang gawing executive secretary ni P-Digong!

 

◘◘◘

 

NAMUMURO na ang joint oil exploration ng China at Pilipinas.

 

Hindi nga?

 

◘◘◘

 

NAKIPAGKITA kay Mayor Isko ang ambassador ng China.

 

Baka ire-reclaim ng Beijing ang Manila Bay?

 

◘◘◘

 

IKAKALAT ng NFA ang bigas sa merkado.

 

Sino kaya ang uutusang magwalis?

 

He-he-he!

 

◘◘◘

 

NAKAWALA ang mga pusakal na kriminal sa BuCor matapos magbayad.

 

‘Yan ang hindi malili­mutang jailbreak!

 

◘◘◘

 

MALAMIG na ang simoy ng hangin.

 

Nararamdaman na ang papalapit na Pasko.

 

Puwede rin kayang tumanggap ng “gift” ang mga taga-airport?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr