Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Buking kapalpakan ng MMDA, dahilan ng trapik sa EDSA!

September 14, 2019

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

  

 

    

        

 

SEN. DE LIMA, GINIBA NI SEN. GORDON SA GCTA SCAM — Ang korupsiyon sa Good Conduct Time Allow­ance (GCTA) Law na pagpalaya sa mga akusadong kriminal sa karumal-dumal na krimen ay nangyari sa panahon ni ex-BuCor Chief Nicanor Faeldon, pero ang sinisisi ni Sen. Richard Gordon sa ‘scam’ ay si de­tained Sen. Leila de Lima dahil noong Jus­tice secretary pa ito ay tadtad daw ng katiwa­lian ang ginawa nitong Implementing Rules and Regulations (IRR) sa GCTA Law.

 

Siguro, natakot si Sen. Gordon na “ma­bira” ulit ni P-Duterte kaya si Sen. De Lima na ang sinisisi niya sa isyung ito at hindi si Faeldon na “bata” ni P-Duterte, boom!

 

◘◘◘

 

BANGAYANG P-DIGONG AT SEN. LACSON, SINO KAYA ANG MANA- NALO? — Ayon kay P-Duterte, wala raw masama kung tumanggap ng regalo ang pulis kapalit ng kanilang trabaho at ignorante lang daw sa batas si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na pu­mupuna sa sinabi niyang ito.

 

Ang resbak naman ng senador, ang pangulo raw ang ignorante dahil malinaw daw sa batas na ang mga parak ay dapat naglilingkod sa mamamayan nang walang anumang kapalit.

 

Sino kaya ang mananalo sa “bangayan” nina P-Digong at Sen. Ping? Abangan!

 

◘◘◘

 

MMDA PALA ANG SABLAY SA MATINDING TRAPIK SA EDSA — Malaki ang iniluwang ng trapiko nang ang mga tauhan na ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang nagmamando ng trapik sa kahabaan ng EDSA.

 

Kung ganu’n, hindi pala ang mga pam­pasaherong bus ang nagpapatrapik sa EDSA kundi ang kapalpakan ng MMDA, boom!

 

◘◘◘

 

IMBES NA PAGLILINGKOD SA PUBLIKO, TOMA  ANG  INAATUPAG  NG  4 PARAK — Apat na pulis na sina P/Cpl. Randy Danao, P/Cpl. Robermar Abales, P/Cpl. Alquin Orgen at Pat. Samuel Inoc ang nahuli sa akto ng PNP-Internal Affairs Ser­vice (IAS) na nag-iinuman sa police check­point sa Zapote Road, Las Piñas City.

 

Ang bad naman ng mga parak na ito, im­bes na paglilingkod sa mamamayan ang atupagin, eh, paglaklak ng alak ang inuuna sa police checkpoint, mga pwe!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr