Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Basura palit bigas, gawin na sa buong bansa para bawas-polusyon

September 14, 2019

Ryan B. Sison / Boses

 

   

   

Sa kalagitnaan ng hindi matapus-tapos na problema sa basura, kani-kan­yang diskarte ang mga lokal na pama­halaan para masugpo ito, gayundin, para magkaroon ng disiplina ang mga resi­dente.

 

Isang barangay sa Muntinlupa City ang nakaisip ng paraan para maubos ang mga plas­tik na basura sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas sa mga residente kapalit ng mga basurang maiipon ng mga ito.

 

Maaaring makakuha ng isang kilo ng bigas sa bawat dalawang kilo ng plastik na basura kung saan ang mga ito ay ite-turnover sa gob­yerno para sa proper disposal at recycling.

 

Ayon sa pag-aaral, ang Pilipinas ay isa sa mga top marine polluter sa buong mun­do o sanhi ng pagdumi ng mga kara­gatan dahil sa mga basura at kemikal.

 

Gayundin, dapat umano itong isisi sa ka­kulangan ng mahigpit na pagpapatu­pad ng mga batas hinggil sa solid waste management at kawalan ng regulasyon sa packaging ng mga produkto.

 

Samantala, dahil sa basura palit bi­gas, tuwang-tuwa ang mga residente dahil anila, ang bawat kilo ng bigas ay maituturing na malaking tulong dahil ito ang pangunahing pagkain ng bawat pamilya.

 

Ayon sa pamunuan ng barangay, na­kako­lekta na sila ng higit 200 kilos ng mga sachet, plastic bag at bottle mula noong nakaraang buwan.

 

Maituturing na “win-win solution” ang hakbang na ito dahil ka­sabay ng unti-unting paglinis ng kanilang komunidad, nagkakaroon ng disiplina ang mga residente at bonus pa na na­katutulong sila sa pamilya ng mga ito.

 

Kung ngayon pa lang ay makikita na ang magandang epekto nito sa komu­nidad at mga residente, panahon na para subukan din ito sa iba pang mga lugar.

 

‘Ika nga, puwede tayong  maging ma­lik­hain sa paglutas ng  problemang kina­ha­harap natin kaya panawagan sa mga kinauukulan, huwag magsawang mag-isip ng mga paraan para masolusyunan ang problema sa basura.

 

At para sa mamamayan, makipagtu­lungan para pagdating ng panahon ay walang sisihan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr