Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Wonder kung sino sila? Knows n'yo, pramis! 2 Comedians, buking ng network na todo-raket sa labas kaya laging absent sa mga tv shows, sinuspinde!

September 13, 2019

BLIND ITEM:

 

     

Nakakapanghinayang naman na mas malaking exposure ang nawala sa dalawang sumisikat na comedians dahil nabuking ang kanilang pagsa-sideline na hindi ipinaalam sa mga tao sa isang malaking network.

 

Isinama ang dalawang comedians sa ilang shows ng network. Maganda ang exposure nila sa mga nasabing shows kaya dumami rin ang offers sa kanila maging abroad.

 

Tanggap sila nang tanggap ng mga shows at hindi naging prayoridad ang network shows na ibinigay sa kanila kaya lagi silang nawawala at hindi sumisipot.

 

Nabuking na rin ang raket nila kahit gaano pa ang kanilang pagtatago at pagsi­sikreto. Kaya naman sinuspinde na sila ng kanilang network at may memo na hindi muna bi­bigyan ng mga shows o TV guest­ings.

 

Anyway, may mga comedy bars naman na puwedeng balikan ang dalawang comedians pero iba pa rin ang impact kapag artista na sila sa telebisyon at napapanood ng marami hanggang abroad. Sinayang nila ang big break at magandang exposure na ibinigay sa kanila.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr