Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Wim Fronda, nag-reyna sa National grand final

September 13, 2019

 

 

 

Pinasuko ni Woman International Master Jan Jodylin Fronda si Woman FIDE Master Jia Allaney Doroy sa round 13 tungo sa pag-angkin ng trono ng 2019 National Women’s Championships Grand Finals - Standard Chess na ginanap sa Project 6, Lungsod ng Quezon.

 

Ang tagumpay sa huling round ni Fronda tangan ang mga itim na piyesa ay nag­bigay sa kanya ng kabuuang 9.5 puntos sa maigting na bakbakan ng mga pangu­nahing lady chess warriors sa Pilipinas. Nakakuha ang kampeon ng + 4.8 FIDE rating points.

 

Kasama sa mga hinugu­tan ng mga panalo ng manla­larong may rating na 2147 ay sina WIM Kyle Joy Mor­dido (round 10), WIM Mikee Charlene Suede (round 12), Biazza Natorri Diaz (round 3), Rizalyn Jasmine Tejada (round 4) at May Ann Alcantara (round 5).

 

Nakipaghatian din ng puntos ang 25-anyos na si Fronda kina WIM Berna­dette Galas (round 1), WIM Marie Antoinette San Diego (round 2), Woman Grandmaster Janelle Mae Grayna (round 6), Woman Candidate Master Mira Mirano (round 7), WFM Shania Mae Mendoza (round 8), WIM Catherine Secopito (round 9) at untitled Samantha Babila Umayan (round 11).

 

Kalahating puntos sa likod ng kampeon ay sina Mendoza, Frayna at San Die­­go. Nang pairalin ang tiebreak na batayan, segunda si Mendoza at si Frayna ang humablot ng huling upuan sa podium. Napunta kina San Diego at Secopito ang pang-apat at panglimang puwesto ayon sa pagkakasunod.

 

Sa unang limang finishers, si Fronda lang ang man­lalarong hindi nakatikim ng pagkatalo sa paligsahang isinaayos ng National Chess Federation of the Philippines at kung saan tumayong Tournament Director si GM Jayson Gonzales.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr