Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Wanted: Walang takot at hindi mukhang perang BuCor chief

September 13, 2019

Tapat at may kakayahan ang umano’y hinahanap ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na hepe ng Bureau of Corrections (BuCor), kapalit ni Nicanor Faeldon.


Ito ay bilang tugon sa naunang pahayag ng isang mambabatas na ‘killer’ ang dapat na ipuwesto sa BuCor. Bagama’t, hindi naman idinetalye kung ano ang ibig nitong sabihin sa ‘killer’, maaaring isang tao na kayang ‘patayin’ ang lahat ng iligal na kalakaran sa ahensiya ang tinutukoy nito. 


‘Yung pinunong hindi tatanggap ng pera mula sa mga preso bilang pa-‘welcome’. Isang hepe na hindi matatakot sa mga drug lord, gambling lord at sa lahat ng ‘lords’ ng kawalanghiyaan.


Isang pinuno na kayang buwagin ang lahat ng ‘negosyo’ sa Bilibid. Mula sa mga kontrabando hanggang sa mga bulok na sistema.


Kailangan ng BuCor ang opisyal na hindi nasisilaw sa pera at kapangyarihan. ‘Yung hindi tatanggap ng lagay saka ibabalik o tatanggap sabay iiwan kuno.


Higit sa lahat, chief na hindi lang handang ‘pumatay’ kundi ready ding magbuwis ng buhay. 


Ayon sa pagdinig kahapon sa Senado kaugnay pa rin sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, may mga opisyal at tauhan ng BuCor ang puwedeng wala na lang magawa, sumabay na lang sa agos at hindi na kayang lumabas dahil sa takot.


Kaya malaking hamon ang mapunta sa mga ganitong ahensiya na hindi gobyerno ang nagpapatakbo at walang batas na sinusunod. Lahat ay pinaiikot ng pera.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr