Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Todo-bonding na rin sa mga friends… Kris, active na uli sa socmed kaya hapi na naman

September 13, 2019

Nitz Miralles / Bida

 

 

 

 

 

 

 

  

Natutuwa ang mga supporters ni Kris Aquino dahil balik na ang sigla nito, active na uli sa pag-a-upload ng video at pag-i-interview for her You­Tube channel at pati sa Facebook.

 

Sabi rin nito, “The laughter is back” at maririnig nga ang malulutong nitong halakhak habang ini-interview ang make­up artist niyang si RB Chanco.

 

Sa isa pang post ni Kris, nakabihis ito at may dinner daw siya with some lady friends at female bonding nila. Last time na nakitang nakabihis na pang-party si Kris ay sa dinner nilang mag-iina kasama si Willie Revil­lame at sinundan ng bago niyang picture na tinawag niyang “tough­­chick­vibe.”

 

Comment nga ni John Arcilla, “Galing. Bagay sa ‘yo. I think you have to consider experimenting on a rockstar or punk character para maiba lang. Kuwela ‘yan...”

 

Sa isa pang post, nasa kanyang kitchen si Kris at nagluluto at kahit para sa endorsement niya ‘yun, at least, she’s back to cooking at sabi nga nito, “I’m back to being me because my kitchen is again, my creative space where I can ex­press my love for the people who mean the world to me.”

 

Ang hinihintay na lang ng mga supporters ni Kris ay gumawa na siya ng movie at magkaroon ng TV show at ‘pag nangyari ‘yun, mas sasaya ang pagpa-fangirling nila.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr