Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Solusyon ni P-Digong sa matinding trapiko, hinaharang ni Sen. Poe

September 13, 2019

Bobi Tiglao / Banat
 

 

  

 

Matapos lumabas ang balita na dahil sa ma­tinding trapiko sa EDSA ay maraming pas­yenteng lulan ng ambulansiya ang namamatay dahil hindi na umaabot sa ospital na ang sinisisi sa masamang sitwas­yong ito ay walang iba kundi ang ilang taon nang pagbara sa hiling ng Malacañang na bigyan ng “emergency powers” si Pangulong Rodrigo Duterte para mabilis maresolba ang problema ng trapiko.

 

Ayon kay Senadora Grace Poe, hindi raw nagsusumite ng malinaw na plano ang Depart­ment of Transportation (DOTr) kung paano gagamitin ang kapangyarihang ito.

 

Hindi ‘yan totoo dahil matagal nang nagbi­gay ang DOTr sa Senado ng mga plano nitong proyekto para maibsan ang napakabigat na tra­piko sa EDSA at karatig nitong lugar sa Metro Manila.

 

Palagay natin, kahit ano pa ang ibigay na dokumento ng DOTr o Palasyo sa senadora ay hindi ito masisiyahan. Siguradong may pin­tas at banat pa rin ito na baka may korupsiyong magaganap kung bibigyan ng emergency powers ang pangulo. Tsk!

 

Masyadong namomolitika ang senadora, malayo pa ang eleksiyon (2022 pa ‘yun), pero astang ‘pangulo’ na. Bakit hindi muna ninyo tu­lungan ang bayan?

 

May panukalang-batas nang nai-file sa Kon­greso para bigyan ng sapat na kapangyarihan ang pangulo upang mapabilis ang paglutas sa matinding trapiko sa bansa.

 

Mahalagang maresolba agad ang trapiko, bilyones ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa pagkaipit ng mga tao sa trapiko. Mabagal ang dating ng mga supply at iba pang gamit para sa negosyo at nasisira ang trabaho ng ka­ramihan.

 

Dagdag pa ang lumabas na balitang mara­ming pasyente na lulan ng ambulansiya ang na­mamatay sa daan dahil hindi na ito naka­rarating sa ospital. Hindi ba nakukonsensiya rito ang mga pulpol na mambabatas?

 

Lahat ng mga Pinoy na dumaraan sa EDSA, motorista man o pasahero ay talagang naiipit nang ilang oras, ‘yung mapapamura na lang sila dahil wala naman silang magagawa kundi ang magpasensiya kahit paulit-ulit na lang, hays!

 

Naipasa na sa Kongreso ang batas na nag­lalayong magbigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte, pero sa Senado, hinarang ito ni Sen. Poe bilang chair ng Senate Committee on Public Services.

 

Panay patawag ng hearing para kunwari ay may ginagawa, ang pambabara ay hindi trabaho. Bakit hindi maglabas ng sarili niyang solusyon ang senadora kung ayaw niya ang planong isi­numite ng DOTr?

 

Siyempre, kapag nagtagumpay ang proyek­to ng administrasyong Duterte para maayos ang matinding trapik sa EDSA ay lalong ma­giging popular ang pangulo.

 

Kung ngayon, 80 porsiyento ng mga Pilipino ang aprub sa pangulo, baka kapag nasolus­yu­nan ang problema sa trapiko sa EDSA ay ma­giging 100 porsiyento na ito.

 

Malamang, ito ang ayaw mangyari ng mga ‘epal’. May balak bang tumakbo sa pagka-pa­ngulo ang senadora kahit pa natalo ito ni Pangu­long Duterte noong 2016?

 

Sa ngayon, sa lakas ng pangulo sa mamama­yan, kahit sino ang kanyang suportahan bilang kandidato sa pagka-pangulo sa 2022, malaki ang tsansa nitong manalo.

 

Hindi siguro nakikita ng senadora na kapag sinuportahan niya ang mga proyekto ng admi­nistrasyong Duterte ay baka bumango pa ang kanyang reputasyon.

 

‘Ika nga ni Presidential Spokesperson Sal­vador Panelo, dahil umpisa pa lang ay hinarang na ng senadora ang emergency powers na makatutulong para maresolba ang problema ng trapiko sa bansa, hindi ito makakalimutan ng mga tao.“Dahil kinontra niya ‘yun, balang-araw ay babalikan siya,” sabi ni Panelo.

 

Mariin ding sinagot ng pangulo ang para­tang ng senadora na maaaring magkaroon ng korupsiyon sa pagbibigay ng emergency po­ers. “Hindi lahat ng tao sa mundong ito ay magnanakaw,” wika nito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr