Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Reklamo sa DAR adjudication board, dedesisyunan agad ‘pag ‘di sinipot ang preliminary conference

September 13, 2019

Dr. Persida V. Rueda-Acosta / Magtanong Kay Attorney

 

 

     

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang epekto ng hindi pagdalo ng aking inireklamo sa preliminary conference sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB)? Salamat!— Marshall

 

Dear Marshall, 

Para sa inyong kaalaman, ang panuntunang naaangkop sa inyong sitwasyon ay ang Section 4, Rule IX, ng 2009 Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) Rules of Procedure kung saan nakasaad na:

 

“RULE IX               Preliminary Conference 

 

SECTION 3. Effect of Failure to Appear. — If either or both parties fail to appear for preliminary conference, despite proper notice, the conference shall be deemed terminated and the Adjudicator shall render a decision on the basis of the evidence on record.”

 

Malinaw sa nabanggit na panuntunan na tatapusin na ng Provincial Agrarian Reform Adjudicator (PARAD) ang preliminary conference sa oras na hindi makadalo ang isa sa mga partido sa reklamo sa kabila ng pagkakatanggap nila ng notice tungkol dito. Gayundin, maaari nang magdesisyon ang PARAD sa nasabing reklamo base sa mga ebidensiyang naisumite na ng mga partido sa reklamo.

 

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr