Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Prostitution, casino, party-party, etc.. Iba pang raket sa Bilibid, nabulgar!

September 13, 2019

 

Nabunyag pa ang iba’t ibang ilegal na transak­siyon sa New Bilibid Prison (NBP) kasabay ng pagdinig sa Senado kaugnay sa kon­trobersiyal na Good Con­duct Time Allowance (GCTA).

 

Ibinunyag ni dating Bu­reau of Corrections (BuCor) OIC Rafael Ragos na matin­di ang mga raket sa Bilibid.

 

Si Ragos ay namuno sa BuCor noong panahon ng  Aqui­no administration.

 

Aniya, kabilang sa sina­sabi nitong source ng pera ng bureau officials ay suhol mula sa mga sugalan na 24-oras ang operasyon, pagpa­sok ng pagkain at pag­taga sa food allowance ng inmates o ‘catering’, kidnap-for-ran­som at pagpasok ng mga babae para sa high-profile inmates.

 

Itinago ang deal sa mga babae sa code na “Tilapia” na umaabot umano sa P30,000 ang bayad para sa isang babae upang mag-per­form at iba pang gawain.

 

Nabanggit pa bilang ha­limbawa ang grupo ng “Mocha Girls” na isa umano sa mga pinapasok sa na­tional penitentiary noong mga na­ka­lipas na panahon. May tinatawang ding ‘spe­cial re­quest’ o pagpasok ng foreign entertainers na ilang araw namamalagi sa loob.

 

Mismong mga emple­yado rin umano  ang  nagbe­benta ng mga kontrabando tulad ng cellphone, alak, yosi, baril at droga sa Bili­bid. Negosyo rin umano ang mga nagaganap na party at concerts dito.

 

Lumabas naman na P300,000 ang minimum na nata­tanggap ng BuCor offi­cial kada linggo at iba pa ang pa­salu­bong kapag may ba­gong talagang  pinuno, ha­bang P5 million para sa spe­cial deals.

 

Si Ragos, ay una na ring tumestigo sa drug case laban kay Sen. Leila de Lima, kung saan nasa ilalim siya ng wit­ness protection program at binigyan din ang una ng le­gislative community para sa kanyang naging testimonya.

 

 

Ayaw kumanta.. 3 Bucor officials, kulong sa Senado

 

PANSAMANTALANG ikukulong sa basement ng Senado ang tatlong opisyal ng BuCor makaraang pata­wan ng contempt ng Senate Committee on Justice and Hu­man Rights dahil sa uma­no’y pagtatago ng katoto­ha­nan.

 

Kabilang sa  mga  ito sina BuCor Legal Chief Atty. Fre­derick Santos, Dr. Urcisio Cenas at documents section head Ramoncito Roque.

 

Ayon kay Senador Ri­chard Gordon, chairman ng komite, ikukulong ang tatlo hangga’t hindi sila maka­pag­bibigay ng kapani-paniwa­lang paliwanag.

 

Mismong ang dating BuCor head na si Sen. Ro­nald ‘Bato’ dela Rosa pa ang nagpanukalang i-cite in con­tempt ang tatlo dahil sa hindi pagsasabi ng buong katoto­hanan.

 

Una rito, mismong si Ro­que ay umamin na may ka­tiwa­lian talagang nangyayari sa loob ng Bilibid.  Po­sible rin aniya na may iba pang pangyayari na hindi na lamang naka­rarating sa kanilang kaalaman.

 

 

Mga ilegal na negosyo, pinalusot.. De Lima at Lover, idiniin sa P5 milyong quota sa Maunti

 

IDINIIN ni NBI Intelligence Officer Jovencio Ablen Jr. si dating DOJ secretary at ngayo’y Senadora Leila de Lima sa mga umano’y korupsiyon sa loob ng Bilibid.

 

Bilang bahagi aniya ng dating kalihim sa lahat ng mga money-making schemes sa loob, may isang tagpo na umabot sa limang milyong piso umano ang “cut” ng senadora na tinatawag nila noong “quota kay lola”.

 

Minsan na umano itong nagdala ng mga pera sa bahay ng senadora sa Parañaque kung saan naghihintay ang karelasyon at driver bodyguard nitong si Ronnie Dayan.

 

 

Baliw-baliwan para negosyong droga, tuloy.. Istayl ng mga preso, buking!

 

IBINULGAR ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na may ilang preso sa Bilibid ang nagpapanggap na baliw.

 

Aniya, paraan nila ito upang maitago ang pagiging bahagi nila sa mga ilegal na gawain sa loob. Maaari umanong may mga presong nasa psychiatric ward ng Bilibid na wala namang problema sa pag-iisip.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr