Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pinakamataas na attendance ng mga kong. sa sesyon, naitala!

September 13, 2019

Ka Ambo / Bistado

 

 

 

      

 

 

 

Biyernes-trese o Friday the 13th ngayon.

 

Ingat po sa dis­grasya!

 

◘◘◘

 

NAITALA pa ulit ng Kamara ang isang paniwalaan-dili.

 

Naimarka ang “247 record-high average attendance”.

 

Naks naman!

 

◘◘◘

 

AYON kay Spea­ker Alan Peter Cayetano, naitala ang record-high average attendance sa loob ng 18 session days mula Hulyo 22 hang­gang ika-10 ng Set­yembre.

 

Batay ito mismo sa opisyal na record ng House Committee on Rules!

 

◘◘◘

 

MAGING si House Deputy Speaker Neptali Gonzales II ay napa­hanga sa ipinakikitang dedikasyon ng mga kapwa kongresista.

 

Ayon kay Rep. Gon­za­les, matagal na si­yang nag­silbi bi­lang kon­gresista at naging Majority Floor Lea­der na rin ng Kamara noon, pero ngayon lang aniya ito nang­yari na mataas ang ave­rage ng attendance!

 

◘◘◘

 

MATATANDAANG 266 kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13, araw matapos ang Eid al-Adha at 259 ang nasa sesyon noong August 27, matapos ang pagdi­riwang ng National Heroes' Day.

 

Sa ngayon, patuloy ang deliberasyon sa 2020 National Budget sa plenaryo matapos itong maaprubahan sa committee level noong September 6!

 

◘◘◘

 

KAYA naman asahan na ng taumbayan na makalulusot ang Pam­bansang Badyet sa Kamara bago mag-October 4.

 

Kaya malaki ang pasasalamat ni Rep. Gon­zales sa liderato ni Speaker Cayetano dahil sa pagiging hands-on Speaker nito.

 

◘◘◘

 

KAILANGANG kayod-kalabaw ang gawin ng mga kongre­sista upang maisabatas ang mga priority bills ni Tatay Digong.

 

Ito ay para hindi na muling magkaroon ng aberya sa pag-aapruba ng Pamban­sang Badyet tulad noong nakaraang Kongreso!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr