Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Phl Blu Girls, tiwalang may tsansa sa Olympics

September 13, 2019

 

 

 

Pagtala sa kasaysayan ang pakay ng Philippine Blu Girls kung saan positibo ang tsansa ng soft ball team na makalaro sa 2020 Tokyo Olympics. 


“May awa po ang Diyos at mapagtatagumpayan namin ito. Tiwala lang po at think positive. Hinihingi po namin ang suporta ng sambayanan,” pahayag ni coach Anna Santiago, markadong player ng PHL Team at itinuturing na winningest coach sa sports matapos maihatid ang Adamson Lady Falcons sa 73 sunod na panalo sa UAAP. “Actually, naputol na po ‘yung winning streak namin,” aniya sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila. 


Sa suporta at pangangasiwa ni Jean Henri Lhuillier, muling umariba ang Blu Girls sa international scene at puspusan ang paghahanda para sa WBSC Asia/Oceania Qualifying tournament – huling tsansa ng Blu Girls para makasikwat ng Olympic slots para sa 2020 Tokyo Games sa Setyembre 24-29 sa Shanghai, China. “Target po naming manalo rito. Kung papalarin kami po ang kauna-unahang team sports sa Pilipinas na makalalaro sa Olympics. Malaki po ang tsansa natin dahil natalo na po natin sa Asian tournament at makakalaban namin dito,” pahayag ni Santiago. (MC)

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr