Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga LGBT, tigilan na raw ang kaartehan… Mother Ricky, suportado at pinuri ng mga bading

September 13, 2019

Julie Bonifacio / Winner!

 

 

 

 

 

 

 

Halu-Halo ang reaksiyon ng mga members ng LGBTQ community at mga netizens sa naging pahayag ng sikat na celebrity at hairdresser na si Mother Ricky Reyes kaugnay ng diskri­mi­nasyon sa mga bading at usa­pin ng SOGIE Bill.

 

May natuwa at meron ding nang-bash kay Mother Ricky sa hirit nitong tigilan na ng mga members ng LGBTQ ang kabaklaan na ipinagpipilitan ang kanilang sarili na tang­gapin ng madlang pipol.

 

Pinapurihan si Mother Ricky ng ilang showbiz celebs na dating members ng LGB­TQ pero nagbago at in-embrace ang kanilang pagbaba­lik sa tunay nilang gender.

 

Kabilang dito ang kilalang makeup artist and fashion designer na si Fanny Serrano at  dating movie writer na si Anselle Beluso.

 

Ang daming papuri kay Mother Ricky sa mga comments na ipinost ni Fanny ka­ugnay ng mga sinabi ng sikat na hair salon businessman.

 

“Beautiful words from a beautiful person. ‘Di naman kasi dapat pahabain ang issue na ‘yan, for we all know very well the right answers,” comment ng nagngangalang Michelle.

 

Say naman ng isang Austifano, “Tama po kayo, Mader Ricky Reyes, tayong mga bakla ang nagkakaintindihan pagdating sa ating sitwasyon. Lalo po tayong malalagay sa alanganin ‘pag ipagpipilitan ang mali... Tama na ‘yung tanggap tayo ng lipunan.”

 

Sa post naman ni Anselle sa interview ni Mother Ricky, may message siya na ganito, “Mga besh, pakinggan natin si Mader…”

 

At kasunod nito, may nag-comment naman sa post  ni Anselle ng ganito, “I really like and respect Ricky Reyes since I was a kid. I would even find myself watching GANDANG RICKY REYES TV program on weekends. There is so much to learn from his show.

 

“He is a Good, Kind, Loving person.... and he has a BIG & GENEROUS HEART to CHILDREN, ELDERLY and LESS FORTUNATE PEOPLE.

 

“Thank you for speaking out on behalf of all the people, especially for the women and children. We are touched by your UNSELFISH HEART and RESPECTFUL ATTITUDE towards Human and GOD!

 

“May the Lord bless you more so you can bless more Filipino! d’ #Respectable

 

“ps: Hope to meet you in person.”

 

Kani-kanya talaga ng opinyon, ‘di ba?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr