Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

MMDA, escort ng mga ambulansiya, 'wag sanang maabuso

September 13, 2019

Ms. Korina Sanchez / Isyung 'K'

 

 

 

  

 

Handa na raw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mag-escort ng mga ambulansiya para makarating kaagad ang mga dala nitong pasyente sa kani-kanilang ospital. Ito ay matapos maiulat na may mga pasyenteng namamatay dahil hindi na umabot sa ospital dulot ng matinding trapik, partikular sa Metro Manila. 


Handa na raw ang mga motorcycle units ng MMDA na mag-escort sa mga ambulansiya para mas mabilis mahawi ang mga sasakyan.


Pero, kung handang tumulong ang MMDA, sana, ipatupad din nila ang pagbabawal sa mga sasakyang wala namang karapatang magpa-escort sa mga pulis. Tila dumarami na kasi ang mga sasakyang hindi naman uno at dos ang plaka, pero may escort kapag bumabaybay sa mga kalsada. Masyado silang nakalalamang sa ibang motoristang tinitiis ang napakatinding trapik. Dapat makuhanan ng picture ang mga ‘yan at mai-post sa social media kung hindi rin aaksiyunan ng MMDA.

 

◘◘◘

 

Ngayong taon, mahigit 250,000 ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa kung saan umabot na sa 1,000 ang mga namatay. Hindi pa rin sapat ang mga ginagawa ng mga barangay para mapigilan ang pagdami ng Aedes Aegypti na lamok na siyang nagdadala ng dengue. At dahil din sa patuloy na pag-ulan, dumarami ang naiipong tubig sa paligid kung saan hindi natin alam na pinamamahayan na pala ng mga lamok na may dalang dengue.


Totoong mahirap solusyunan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga biktima ng dengue, lalo na at hindi pa rin pinayagang maibalik ang Dengvaxia sa bansa kahit ganito na ang sitwasyon. 


May ulat na sa ibang bansa na lang daw nagpapabakuna ng Dengvaxia ang ilang may kakayahan.


Sa pagkakaalam natin, mayroong mahigit 800,000 bata ang nabigyan ng unang doses nito at may ilan din daw pulis. Sayang lang at hindi mabibigyan ng pangalawa at pangatlong doses para mas epektibo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr