Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Korupsiyon sa Ilog Pasig, buking, PRRC director Goitia, sibak!

September 13, 2019

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

  

 

    

        

 

NAPOLES, MUNTIK NANG MAKALAYA DAHIL SA GCTA SCAM—Sa listahan ng mga palalayain sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, nakabilang dito ang pangalan ni ‘Pork Barrel Queen’ Janet Lim Napoles, pero ang nakalagay sa kanyang kaso ay hindi plunder kundi rape.

 

Mabuti na lang, nabulgar ang kalokohan sa GCTA Law kasi malamang nakalaya na si Napoles, boom!

 

◘◘◘

 

IMBES NA LINISIN ANG PASIG RIVER, KORUPSIYON ANG GINAWA NG PRRC HEAD—Sinibak ni P-Duterte dahil sa isyung korupsiyon si Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio Goitia.

 

Aba, dapat lang kasi imbes na linisin nito ang marumi at mabantot na Ilog Pasig, eh, ang inaatupag pala nito ay korupsiyon, buwisit!

 

◘◘◘

 

SEN. HONTIVEROS, KAPAG KUMANDIDATO, MALAMANG IBASURA NG KABABAIHAN—Kung may plano man si Sen. Risa Hontiveros na kumandidatong senador sa 2022 elections, dapat huwag na niyang ituloy dahil tiyak na mao-”olats” siya.

 

Malamang, ibasura siya ng milyun-milyong kababaihan dahil sa pamimilit nitong isabatas ang karapatan ng mga bading na makagamit ng CR na pambabae, tsk-tsk-tsk!

 

◘◘◘

 

ELEAZAR SA MGA MAGPUPULIS, WALANG PADRINO, WALANG SPONSOR, WALANG BACKER NA PULITIKO—Sa 4,000 aplikante sa pagka-pulis, ang ipinairal dito ni NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar ay sistemang “walang padrino, walang sponsor at walang nakiusap na pulitiko.”

 

Sana, ganyan din ang ipairal ng ibang regional police directors sa kanilang mga nasasakupan upang ang magiging mga bagong pulis ay magkaroon ng dignidad at mas maging dedicated sa trabaho, period!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr