Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hindi lang pampasuwerte tuwing Bagong Taon… Ubas, pampatalas na ng memorya, pampalinaw pa ng mga mata at panlaban sa iba’t ibang sakit

September 13, 2019

 

 

 

 

 

 

Ber months na at uso na naman ang mga prutas na bilog. Nariyan na na­man ang kiat-kiat, pon­kan, orange at si­yem­pre, ang ubas! Anu-ano ang mga bene­pisyong ma­ku­kuha sa pag­kain ng pru­tas na ito?

 

1. “ANTIOXI­DANT” AT PAN­LABAN SA SA­KIT. Ang ubas ay may taglay na vib­rant colors. Ito ay dahil sa polyphenol com­pound nito. Pero, hindi la­mang vibrant colors ang na­gagawa ng polyphenol dahil isa rin itong antioxidant na lumalaban sa free radicals sa ating katawan.

 

Sey ng dietetics na si Dr. Natalie Butler, ang polyphe­nol  ay mabisang panlaban sa diabetes, cancer, lung di­sease, osteoporosis at heart disease.

 

2. PANLABAN SA SAKIT-KALIMOT.  Ayon kay Dr. Daniel H. Silverman ng University of Los Ange­les, California, ang pagkain ng 72 grams ng grapes araw-araw sa loob ng anim na bu­wan ay  nakapagpapahaba ng attention span, gayundin, ma­lalabanan ang paghina ng memory at Alzhei­mer’s di­sease. Oh, ‘di ba, astig?!

 

Ang resveratrol com­pound ng grapes ay mabi­sang pan­laban sa paghina ng memorya dahil sa pagtanda sapagkat ang antioxidant na taglay nito ay naka­pag­du­dulot ng magandang epekto sa hippocampus o parte ng utak na nakata­tang­gap at nagdidikta ng me­mory, lear­ning at mood natin.

 

Ayon sa mga eksperto, ang grapes ay sumusuporta sa metabolismo ng brain areas na responsable sa pag­mememorya at atensiyon at para maiwasan ang kaku­langan sa oxygen nang sa gayun ay makadaloy nang maayos ang dugo.

 

Anila, ang grapes ay ma­katutulong din upang maging maganda ang cardiovascular at neurologic health natin.

 

3. NAKAPAGPAPA­BUTI NG PANINGIN. Ooops… there’s more, mga ‘tol! Kung problema naman sa eyesight ang usapan, grapes lang din ang solusyon d’yan! Ayon sa Association for Research in Vision and Ophthalmology, ang regular na pagkain ng grapes ay nag­bibigay ng proteksiyon sa re­tina laban sa deterioration o pagkasira nito.

 

Gumamit ng  mga daga sa eksperimentasyon kung saan araw-araw nilang pina­kakain ng grapes ang mga ito. Naging makapal ang retina ng mga  mata  ng  mga daga at nag-improve rin ang  kani­lang photoreceptive response.

 

Wow, hindi lang pala basta pampasuwerte ang ubas tuwing ber months dahil may iba pa itong kayang gawin. Ngayong alam na natin ang health benefits nito, alam n’yo na, ha? Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr