Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Golden stags at Pirates, binira ang CSB at UPHSD

September 13, 2019

 

 

 

Patuloy ang mainit na larong ipinapakita ng San Sebastian College matapos durugin ang College of Saint Benilde, 83-67, upang buksan ang kanilang mga kampanya sa pangalawang round ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre.

 

Walang nagawa ang mga depensa ng Blazers na pigilan si Allyn Bulanadi na nagtala ng 32 puntos.  Malaki ang tulong nina RK Ilagan na may 13 puntos at Aljohn Capobres na may 12 puntos para sa ika-limang sunod na tagumpay ng Stags mula pa noong katapusan ng unang round at umangat sa kartadang 7-3 panalo-talo. 

 

Napunta sa Lyceum Pirates ang ikalawang pwesto matapos na biguin ang University of Perpetual Help System-Dalta, 89-74.  Dikit ang laro sa unang dalawang quarter ngunit biglang pumutok ang Pirates sa ikatlong quarter sa likod nina kapitan Reymar Caduyac, Jayson David at Mike Harry Nzeusseu.Nanguna sa atake ng Pirates si Jaycee Marcelino at Nzeusseu na parehong nag-ambag ng 21 puntos.  Pinasok ni Caduyac ang pito sa kanyang 11 puntos sa ikatlong quarter kung saan nanaig ang Pirates, 26-14. Sa mga laro ngayong araw, aasintahin ng defending champion San Beda Red Lions (10-0) ang  ika-11 sunod na panalo at patibayin lalo ang hawak nila sa numero unong pwesto sa liga.  Susubukan ng season host Arellano Chiefs (2-8) na pigilan ang pagbulusok ng Red Lions sa tampok na laro ng 4 p.m.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr