Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

FIBA: Australia vs. Spain ngayon sa semifinals

September 13, 2019

 

 

 

Kahit sino mang malakas na koponan ay nagigiba rin, lalo pa’t higante ang katapat. Ito ang ipinamalas ni France Center at Utah Jazz tower Rudy Gobert nang pangunahan niyang sibakin ang koponan ng two-time defending champion na Estados Unidos, 89-79 sa quarterfinal round ng FIBA Basketball World Cup 2019 sa Dongguan, China kamakalawa ng gabi.


Nagsalpak ang NBA Best Defensive Player of the Year ng double-double performance na 21 points, 16 rebounds at 3 blocks para ilagpak ang team USA mula sa 5th-8th bracket at tanggihan ito na makakuha ng medalya sa World Cup sa ikalawang pagkakataon ng talunin sila ng Yugoslavia sa q’finals, 81-78 noong 2002 FIBA World Cup sa mismong muhon nila sa Amerika.


Sa tagpo ring iyon noong 2002 ay sumemplang pa lalo ito sa 6th place nang talunin ng Spain, 81-75  kung saan binubuo sila ng NBA players.  Sapul ng lumahok ang mga professional players sa Olympics bitbit ang Dream Team sa Barcelona, Spain noong 1992, ito na marahil ang isa sa mga masasaklap na sandali ng U.S.A.  pagdating sa mundo ng basketball.


Samantala, umentra na rin sa semifinals ang Australia matapos talunin ang Czech Republic 82-70 sa quarterfinals. Nagkatulungan sina Patty Mills, Chris Goulding at Andrew Bogut sa itinalang kabuuang 43 points para makuha ang anim na magkakasunod na panalo.


Itinuring na best player si Patty Mills na nagtala ng kabuuang 24 points 6 assists at 4 rebounds. Unang pagkakataon ito na makapasok ang Australia sa semifinals ng torneo na makakaharap ang Spain ngayong Biyernes.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr