Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Basilan CTC, pambato ng ‘Pinas sa Mongolia Fiba 3x3

September 13, 2019

 

 

 

Nasa Mongolia na ang koponan ng Isabela City Chooks o mas kilalang  Phenom Basilan CTC Construction para lumahok sa FIBA 3X3 Sukhbaatar Challenger simula ngayong Biyernes hanggang bukas. Tatangkain nina Gab Banal, Franky Johnson, Marcus Hammonds at Aaron Rountree ang magwagi sa torneo upang tumuloy sa FIBA 3X3 World Tour Masters sa Jeddah, Saudi Arabia ngayong Okt.18.


Pasok agad ang Isabela City sa Grupo A ng main draw kung saan bubuksan ang kampanya sa 5:20 p.m. kontra sa numero unong koponan sa buong mundo na Novi Sad ng Serbia.  Susundan  ng tapatan nila sa Ventspils Ghetto ng Latvia ng 7 p.m. 


Nakamit ng Isabela City ang karangalan na lumahok sa FIBA Challenger bilang bahagi ng gantimpala matapos magkampeon sa Chooks To Go Pilipinas 3X3 Patriots Cup handog ng Coca-Cola noong Hulyo.


May bitbit na karanasan ang Isabela City sa paglaro sa mga parehong Challenger sa Haining, China noong Hunyo at ang kakatapos lang na Chooks To Go Manila Challenger sa SM City Fairview.


Bilang isang baguhang koponan, nasa ika-14 ang ranggo ng Isabela sa torneo, mas mataas lang sa ika-15 at Lindingo City ng Sweden.  Subalit bilog ang bola at may posibilidad na gulatin ng mga Filipino ang mga bigating tulad ng Novi Sad at Liman ng Serbia, NY Harlem ng U.S.A., Sakiai Gulbele ng Lithuania at Ulaanbaatar MMC Energy ng host Mongolia.


Dahil dito, hindi sila makalalahok sa 4th leg ng Chooks To Go Pilipinas 3X3 Magiting Cup handog ng Coca-Cola ngayong Linggo (Set.15) na babalik sa SM City BF Parañaque.  


Sisikapin ng Wilkins Balanga na makamit ang ikatlong kampeonato sa serye matapos manaig sa SM City Clark noong Set.1 at noong Martes sa SM BF Parañaque.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr