Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Babala: Hindi lahat ng for sale online ay safe!

September 13, 2019

Ryan B. Sison / Boses

 

   

   

Damit, pagkain, gamot at mga produktong pampaganda, ilan lang ang mga ito sa mga kada­la­sang ibinebenta online.

 

Dahil napakadaling mamili rito at kung min­san, ‘sale’ pa, maraming konsiyumer ang tuma­tangkilik.

 

Gayunman, bukod sa mga murang produkto at malawak na pagpipilian, uso rin ang mga pro­duktong nangangakong makapagpapaga­ling ng ilang problema sa kutis o malubhang sakit.

 

Pero, babala ng mga awtoridad, hindi lahat ng ibinebenta rito ay walang masamang epekto sa kalusugan ng tao dahil ilan sa mga ito ay nabibili na kahit hindi pa aprubado ng gobyerno.

 

Samantala, alinsunod sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009, nagbabala ang mga awtoridad na ma­nanagot ang sinumang nagbebenta ng mga ga­mot, pagkain at skin product na hindi aprubado ng FDA.

 

Paliwanag ng mga eksperto, kapag hindi FDA-approved ang produkto, maaaring ma­ka­sama ito sa katawan dahil sa kemikal at sangkap nito na hindi dapat mapunta sa katawan ng tao.

 

Payo ng mga awtoridad sa mga konsiyumer, siguraduhing FDA-approved ang bibilhing pro­dukto sa pamamagitan ng website ng ahensiya.

 

Samantala, maituturing na criminal offense ang false advertising kung saan maaaring pata­wan ng isa hanggang sampung taong pagka­ka­kulong at multang P50, 000 hanggang P500, 000 ang mapatutunayang may sala.

 

Bilang konsiyumer, bago bumili, respon­sibi­lidad nating alamin kung walang masamang epekto sa ating kalusugan ang mga produktong binibili natin, partikular na sa mga gamot, pag­kain at produktong pampaganda.

 

Gayundin, huwag tayong magpalinlang sa mga murang produkto at magagandang adver­tisement hangga’t hindi tayo nakasisigurong FDA-approved ang mga ito.

 

Paalala sa lahat, maging mapanuri at wais na konsiyumer para hindi maging biktima ng mga pekeng produkto.

 

At para sa mga nagbebenta ng pekeng pro­dukto, maghanapbuhay kayo nang tama at please lang, huwag kayong manlamang!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr