Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Aktor, proud na proud pa naman, naloko lang pala… 'Datu' title ni Baron na bigay daw ng reyna at hari ng Sulu, fake!

September 13, 2019

Beth Gelena / Bulgary Files

 Photo: @baron.geisler

 

Nasulat naming ginawaran umano ng honorary title ang aktor na si Baron Geisler ng Sultanate of Sulu & North Borneo na lumabas kahapon (Huwebes, Sept. 11) dito sa BULGAR.

 

Kinabukasan ay may lumabas namang balita na ang ‘Datu’ award ng Kapa­milya actor ay peke.

 

Kumalat sa online web­site ang official statement ng diplomatic representative ng Sultanate of Sulu & North Borneo nang i-post nila sa kanilang FB page na The Royal House of Sulu na hindi lehi­timo ang royal title na ibinigay sa aktor dahil mula raw ito sa false pretenders.

 

Ang nagkaloob umano ng titulo kay Baron ay “both commoners with no royal blood.”

 

Ayon sa representative ng royal family, ang nagbigay umano ng karangalan kay Baron ay ang Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo na hindi raw nire-recognize ng Philippine government as one of the claimants to the Sultanate of Sulu.

 

Ang ginagawaran lang daw ng titulo bilang ‘datu’ o anumang royal title ay ‘yung may mga bloodlines at linya na nag­ta­taguyod sa pamagat na ‘yun.

 

Samu’t saring opinion ng mga netizens ang kumalat dahil sa fake honorary title ng aktor.

 

“I feel sad for Baron, dapat ang mga ganyang scammers, hinuhuli, eh!”

 

Ang dami naman daw mapagtitripan, bakit si Baron pa na nagta-try nang mag­pakabuti?

 

“If someone didn’t make an attempt to change, huhusgahan! If someone did, ganu’n pa rin. Grabe!!!”

 

Ang iba naman ay naawa sa aktor.

 

“Naaawa ako sa kanya dahil he seems honored pa naman. Madami lang talagang manloloko ngayon. The truth is, our Sultanate of Sulu never grants royal titles, not especially to non-Muslims. Either you were born with royal blood or nakapangasawa ka ng any royal families. I’m half  Tausug.”

 

“Nakakaawa naman si Baron. Baka ma-depressed dahil sa kahihiyan at bumalik sa dating gawi. Huwag naman sana.”

 

Lahat ay nagdarasal na sana raw ay huwag na lang seryosohin ng Kapamilya actor ang nasabing award. Charge it to experience, ‘ika nga.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr