Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Akala lang natin, malas... Friday, the 13th, suwerteng araw!

September 13, 2019

Twincle Esquierdo / Gulat ka 'noh?!

 

 

  

Karamihan sa ating mga Pilipino ay naniniwala na malas ang dala ng Friday, the 13th. Pero naka­pag­tataka kung bakit ito pinaniniwalaan? Ano kaya ang naging basehan nila para matawag na malas ang araw na ito? Hmmm...

 

Nangyayari ang Friday the 13th nang isa hanggang tatlong beses kada taon at tuwing nangyayari ito, ang tanging maririnig natin sa karamihan ay, “ang malas naman ngayon.” 

 

Isa sa mga dahilan para sabihing malas ang petsa at araw na ito ay nang maitala ang pagkamatay ng Italian composer na si Gioachnio Rossinni noong November 13, 1868. Pneu­monia ang ikinamatay ng composer at sinasabing ayaw nito ang numerong 13 at araw ng Biyernes. Sa Egypt naman, ang numerong 13 ay may kaugnayan sa death and fear na kapareho ng isinisimbolo ng ika-13 na tarot card.

 

May natuklasan din sa Finland na kadalasang namamatay ang kababaihan tuwing Friday, the 13th dahil sa mga aksi­denteng may kinalaman sa trapik. Ang sinasabing rason ay ang anxiety disorder na nakaaapekto sa pagmamaneho ng mga babae. Sa Turkey, mahigit 2,000 katao ang namatay at 50,000 ang nawalan ng bahay dahil sa Magnitude 6.1 na lindol noong Marso 13, 1992, Biyernes. Mula noon, na­niniwala ang mga taga-Turkey na ang Friday, the 13th ay malas.

 

Samantala, karamihan sa mga ospital at hotel ay walang room 13 at ang mga airport ay walang Gate 13. Naniniwala silang malas ang number 13 dahil base sa kanilang mga ka­ranasan, may mga hindi magagandang pangyayari sa kanilang pasilidad na natataon sa petsang 13 at araw ng Biyernes.

 

Ngunit, kung naalala n’yo, naniniwala rin ang mga Kris­tiyano sa mga Biblical association. Si Judas Iscariot, ang apostol ni Hesus na nagtraydor sa Kanya ang ikalabintatlo na tagasunod sa Last Supper. Sinasabing ipinako sa krus si Hesus sa araw ng Biyernes kaya may tinatawag tayong Good Friday. Ito ang nag-iisang Biyernes na maituturing na suwerte dahil sa sakripisyo ng Diyos para mailigtas ang lahat ng tao mula sa kasalanan at wala nang hihigit pa ru’n.

 

Ilan lang ang mga nabanggit sa mga dahilan kung bakit naging paniniwala na may hindi magandang maidudulot ang Friday, the 13th. ‘Ika nga, kung ano ang pinaniniwalaan natin, ‘yun ang kadalasang nangyayari.

 

Kaya mga ka-Bulgar, ngayong Friday, the 13th, mas mabuting manalig at humingi tayo ng gabay sa Diyos para mailayo tayo sa anumang uri ng kapahamakan. After all, wala pa rin namang kongkretong basehan kung bakit sina­sabing malas ang Friday, the 13th. Okie?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr