Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

3 booters ng allianz PHL babanat sa munich training

September 13, 2019

 

 

 

Sa ikatlong sunod na taon ay nagpadala ng mga kabataang football players ang Allianz Philippines para kumatawan sa bansa sa Allianz Explorer Camp-Football Edition sa Munich, Germany.


Doon ay naranasan ng mga piling kabataan mula sa 22 bansa ang magsanay kasama ang ilang sikat na manlalaro ng World Cup champion FC Bayern.


Ang tatlong Pinoy na ipinadala sa Munich na pinili mula sa iba’t-ibang Allianz regional training camp sa bansa ay sina  Marian Vista ng Tuloy Sa Don Bosco Foundation para sa Luzon, Ralf Andre Ebuna ng Corpus Christi FC para sa Mindanao, at Jodi Mari Banzon ng Cebu Elite FC para sa Visayas. “Allianz has always been a staunch advocate of football development from the grassroots level. We want to discover talents from different areas across the country and give them the opportunity to excel on the world stage,” sabi ni Allianz Philippines chief marketing officer Gae Martinez na sinamahan ang delegasyon ng Pilipinas sa Munich.


Ang training camp ay ginanap sa mismong training facility ng FC Bayern sa Säbener Strasse at mismong ang  Bayern legend  na si Klaus Augenthaler ang nag-reperi sa ilang mga laro ng mga kabataan. Sa final  match ng kanilang munting torneo sa pagtatapos ng training camp ay dumating si Bayern pro Thiago Alcantara para manood at mag-cheer sa mga batang manlalaro. Nagbigay din ng mensahe sa mga kalahok sina  pro surfer Valeska Schneider; Syrian swimmer Yusra Mardini na naglaro para sa refugee team sa 2016 Summer Olympics; National Graphic Explorer’s Dan Raven-Ellison at Felix Finkbeiner, ang founder ng  Plant for the Planet initiative.


Ipinasyal din sila sa mga tourist spots sa Munich. “We are looking forward to further developing football here in the country. As our young players have shown, there is a bright future ahead for this sport in the Philippines,” dagdag pa ni Martinez. (MC)

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr