top of page
Search
  • Jersey Sanchez

Kidlat sa Poland at Slovakia, 105 sapol

PATAY ang lima katao habang higit 100 ang sugatan matapos tumama ang kidlat sa Tatra Mountains sa Southern Poland sa katabing bansa sa Slovakia.

Ayon sa mga residente, biglang sumungit ang panahon at tumama ang kidlat sa tuktok ng Mt. Giewont at sa iba pang bahagi ng Tatras Mountains.

Batay sa tala, apat ang nasawi sa Poland habang isa sa Slovakia na agad dinala sa ospital sa Zakopane ang mga nasugatan.

Personal na tumungo si Prime Minister Mateusz Morawiecki sa ospital at nakita ang sitwasyon ng mga biktima kung saan ilan sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page