Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sogie equality bill, kasado na

August 16, 2019

 

SUPORTADO ang isi­nusulong na batas na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SO­GIE) Equality Bill sa Kongreso.

 

Ayon kay Sen. Christo­pher Lawrence ‘Bong’ Go, bago pa man  umapela si Sen. Risa Hontiveros sa kan­yang mga kapwa senador na tu­lungan siyang maipasa ang SOGIE Equality Bill ay ma­tagal na niyang suportado ang LGBT community.

 

Aniya, lahat tayo ay pan­tay-pantay anuman ang ka­sarian, kaya hindi nito na­gustuhan ang naging asal ng janitress sa isang mall sa Que­zon City kung saan  hin­di nito pinayagang  gumamit ng pambabaeng comfort room ang transwoman na si Gretchen Diez.

 

Sa ginawang manifes­tation of support ni Go, si­nabi nito na nilapitan siya nina Sen. Hontiveros at   Rep. Geraldine Roman at hiniling ang kanyang tulong para maipasa ang naturang panukala.  Tiniyak din ni Go, na su­suporta siya sa panukalang batas at sinabing sa kanilang lugar sa Davao ay matagal nang umiiral ang ordinansang nagbibigay at  nagbabantay ng pantay na karapatan sa LGBT community.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr