Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sikatan pa kaya ng araw ang career? AKTOR NA NAWALA SA PUWESTO SA GOBYERNO, NANULOT NG PROJECT, BAGSAK PRESYO BILANG AKTOR-DIREKTOR MAGKADATUNG LANG

August 16, 2019

BLIND ITEM:

DISAPPOINTED ang talent coordinator (TC) sa isang aktor na nanulot ng project niya sa isang baguhang producer.

 

Inatasan kasi ang TC na mag-negotiate sa mga sikat at batang male stars na magbibida sa ipo-produce nilang movie.

 

Supposedly, magmi-meeting pa lang si TC kasama ang producer ng film sa manager at artist na kukunin nila for the project. Pero ipina-cancel din agad ni produ ang meeting dahil may nakuha na raw silang magbibida sa movie.

 

Si aktor na raw ang bida at siya na rin ang magdi-direk ng movie. Ang nakakalurkey pa nito, bagsak-presyo raw ang hininging talent fee ni aktor sa produ, at package deal na bilang actor and director, huh?

Obviously, need na need ni aktor ang magka-project. Wala na kasi siya sa dati niyang government post at wala ring TV projects. May isinu-shooting daw na isang movie ang aktor pero ang tsika, ‘di na raw niya tinapos ang proyekto.

 

Naku, ‘wag naman sanang ibitin din ni aktor ang bagong project niya. Or else, wala na talagang magti­tiwala sa kanya na producer.

 

Well...

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr