Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Proud sa ipinalit kay Winwyn… MARK, INAMIN NA ANG LIPS-TO-LIPS NILA NI NICOLE

August 16, 2019

Nitz Miralles / BIDA 

 

NAKAKALOKA si Mark Herras at GF niyang si Nicole Donesa dahil sa wedding scene nina Max Collins at Jason Abalos sa Bihag, sila ang nag-lips-to-lips, eh, hindi naman sila ang ikinasal. Nagnakaw ng eksena ang dalawa at parang ‘yun na ang pag-amin nina Mark at Nicole sa matagal nang tsismis na couple na sila.

 

Tinanong si Mark kung pang-totoong buhay ang kiss nila ni Nicole at “Hahaha, yes po” ang sagot ng aktor.

 

May isa pang post si Mark na nag-comment si Nicole ng “mine” na ang dating sa mga netizens ay sa kanya na ang aktor.

 

Samantala, this Friday na ang ending ng Bihag. Matatapos na ang kasamaan ni Reign (Sophie Albert) kina Jessy (Max), Brylle (Jason) at anak nilang si Ethan.

 

Sa ending, ang dalawang babae ang naglaban. Kung paano natalo ni Jessy si Reign, tutukan ang ending ng Bihag this Friday.

 

Sabi ni Max, natutunan niyang incomparable ang love ng ina sa anak at para sa pamilya, kalilimutan ang mga maling nagawa.

 

Napuri naman ang pagiging kontrabida ni Sophie at kahit may nagagalit, okay pa rin sa kanya. “I learned na as a person, kailangan mo lumugar sa situation mo. Hindi lahat ng gusto mo ay tama. Lahat ng ginagawa mo, especially when you are doing something bad, always has a negative effect not only on the person you are hurting but also on yourself.”

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr