Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

ORBETA, IBU-BULLSEYE ANG 3RD CHAMPIONSHIP SA SEA TOUR 2019

August 16, 2019

 

PAGSAPOL ng bulls­eye ang inaasahang muli ng Philippine darts sa husay ng mga bagong sibol na darters tulad ng pambatong tusuke­rang si Lovely Mae Orbeta.

 

Si Orbeta, na two-time Southeast Asia Tour 2019 champion ay kasalukuyang gumagawa ng ingay sa kan­yang tagumpay sa interna­tional darts scene. “I’m looking forward to my next tournament in Malaysia this weekend. Sana manalo po uli,” pahayag ni Orbeta sa kanyang pagdalo sa 35th “Usapang Sports” ng Tab­loids Organization in Philip­pine Sports (TOPS) sa Natio­­nal Press Club sa Intramuros.

 

Si Orbeta, na Grade 9 student sa Lakandula High School sa Tondo, ay nagtiti­walang muli siyang mana­nalo laban sa mga kapwa magaling na kalaban at masungkit ang kanyang ika-tatlong dikit na panalo sa naturang South­east Asian Tour. “Magaga­ling din po ‘yung mga kala­ban ko doon, pero puspusan naman ang pagsasanay ko sa tulong ni coach Jeffrey Roxas,” dagdag ni Orbeta, na aalis pa-Malaysia ngayon para sa kompetisyong naka­takda ngayong weekend. Baga­ma’t abala sa pagsasa­nay sa darts, tiniyak ni Orbe­ta na hindi niya napapaba­yaan ang kanyang pag-aaral.

 

Nagpasalamat din si Orbeta sa kanyang sponsor, si Frida Morelos ng Amber’s Best, sa kanyang patuloy na pagtitiwala. (MC)

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr