Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Naghihirap na? KRIS, NAGBENTA NG KOTSE MAGASTUSAN LANG ANG MOVIE NILA NI GABBY

August 16, 2019

Julie Bonifacio / WINNER!

 

 

NAG-UMPISA na ang  shooting ng movie ni Kris Aquino para sa Metro Manila Film Festival sa December under Quantum Films and Spring Films titled K(Ampon).

 

Dumalaw si Kris sa shooting ng movie kahit wala naman siyang eksena that day. Ang kapareha lang niyang si Gabby Con­­­cepcion ang kukunan that time.

 

Sa kanyang social media account ini-reveal ni Kris na isa rin pala siya sa mga producers ng said movie. Kaya buong pag­­­mamalaki niyang ibinida ang isang new and modern equipment na ipinabili pa raw talaga niya abroad.

 

At walang kagatul-gatol na inamin ni Kris na kinailangan pa niyang ibenta ang kanyang kotse para lang mabili niya ang latest equipment na ‘yun in filmmaking.

 

May nagtatanong tuloy na netizens kung wala na raw bang pera si Kris at bakit ki­nailangan pa niyang magbenta ng kotse. Naubos na raw ba sa kababayad niya sa kanyang mga abogado dahil sa kadede­­manda niya?

 

Parang ‘di naman ka­pani-paniwala na mauubu­san ng pera si Kris, ‘no! Biyahe nga siya nang bi­yahe, ‘di ba?

 

For sure, may dahi­lan si Kris kaya niya na­isip ibenta ang kotse niya bilang pambili ng latest equipment for her MM­FF entry this year.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr