Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Miss U, todo-suporta sa mga bakla… NETIZENS KAY CATRIONA: PA'NO NAMAN ANG KARAPATAN AT PRIVACY NG KABABAIHAN?!

August 16, 2019

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

 

 

MATAPOS ang nangyari sa trans­woman na si Gretchen Diez na ipinahiya, kinaladkad, pinosasan at inaresto dahil sa paggamit ng CR na pambabae sa Farmers Plaza sa Quezon City, umapela si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa agarang pagsasabatas ng SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Bill.

 

Marami ring mga celebrities ang nag­pahayag ng kanilang pagsuporta kay Gret­chen kabilang na sina Vice Ganda, Ice Se­guerra, Bianca Gonzalez, Heart Evange­lista Frankie Pangilinan at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

 

Layunin ng SOGIE Equality Bill na mabigyan ng proteksiyon ang mga LG­BTQ+ community kontra sa diskrimi­nasyon.

 

Sa Instagram post ni Catriona kahapon (August 15), sinabi niyang dahil sa sinapit ni Diez, lalo pang kailangang maisabatas at maipatupad na ang SOGIE Bill.

 

Ani Catriona, “Last night’s incident involving a transgender woman being prohibited from using the woman’s washroom and resulting in being escorted off premises in handcuffs by local police only highlights further, the Philippines need for implemen­tation of the #SOGIEEqualityBill.

 

“LGBTQ+ rights are HUMAN rights - mga karapatang pangkaligtasan at kalayaan mula sa diskriminasyon, karahasan at pag­mamalupit batay sa pagkakakilanlan.”

 

Ayon kay Catriona, “walang saysay” ang ordinansang kontra-diskriminasyon na ipinatutupad sa Quezon City dahil naganap pa rin ang insidenteng tulad ng nangyari kay Gretchen Diez sa lungsod.

 

 “The incident happened in a city that has an existing anti-discrimination bill.

 

“Ibig sabihin, walang saysay ang isang bill na hindi maipatupad sa isang komu­nidad,” pahayag ni Catriona.

 

Iginiit din ni Catriona sa kanyang post na kailangan pang paigtingin ang awareness campaign upang higit na maunawaan ng publiko ang komunidad ng LGBTQ+.

 

Aniya, “Kasabay ng hinihinging pag­pasa ng #SOGIEEQUALITYBILL, dapat din tayong humiling ng mga sumusunod bilang isang komunidad:

 

“1. Accessible forms of information for the public such as educational drives, programs and awareness campaigns’: para mas maintindihan natin ang mga panganga­ilangan ng LGBTQ+ community at para malaman natin ang mga bagay na maaari pa nating magawa bilang mga kaalyado o mga taong may awa sa kapwa (black heart emoji).

 

“2. A SOGIE workplace policy: para sa lahat ng mga pampublikong taga­pag­lingkod at mga taong may im­pluwensiya sa komunidad.”

 

Kasunod nito, binigyang-diin ng ikaapat na Pinay Miss Universe na walang sinu­man — anuman ang gender preference — ang “dapat na makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso.”

 

Apela ni Catriona, “Gusto ko ring pag­tuunan natin ng pansin ang katotohanang wala dapat makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso (emotional, physical o sexual), LGBTQ+ man o hindi.”

 

Ipinagdiinan din ni Catriona na hindi tama ang victim blaming, at importanteng mapa­nagot ang may kasala­nan.

 

“The whole argu­ment of shifting the blame to the victim for reasons of being trans to justify abuse - is still victim blaming and IS NOT RIGHT.

 

“The blame should be on the perpetrators who should be held accountable and cor­rective actions should be taken (in last night’s case - points one and two above could great­­ly help prevent future simi­lar incidents from happe­ning).

 

“Ang LGBTQ + ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan - ang karapatan sa kaligta­san, proteksiyon at pagka­ka­pantay-pantay - ay laban din natin. (rainbow flag emoji) #SOGIEEqua­lityNow.”

 

Samantala, kung mara­mi ang sumu­porta sa naging pahayag ni Catriona, hindi rin mawawala ang hindi pabor sa isinusulong ng Miss Universe 2018.

 

Ayon sa mga netizens na nagkomento sa post ni Catriona, mahalaga ring isulong ng beauty queen ang karapatan at privacy ng mga kababaihan. Marami raw kasing mga babae ang hindi komportable na makasama sa restroom ang isang transwoman dahil lalaki pa rin ito in nature.

 

Posible raw kasing makompromiso ang kaligtasan at privacy ng mga kababaihan, partikular na ang mga batang babae kung may rapist na magpanggap bilang trans­woman upang makapambiktima.

 

Kaya ang suhestiyon ng iba, sana ay magkaroon ng isa pang comfort room na malayang magagamit ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr