Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga korup, hindi pa rin maubus-ubos!

August 16, 2019

 

SA kabila ng paulit-ulit na paalala na hindi gatasan ang gobyerno, marami pa ring matitigas ang ulo at kapalmuks.

 

Tila walang pakialam kung kasuhan, makulong at malagay sa kahihiyan ang angkan basta lang makapagnakaw.

 

Tulad ngayon, ayon sa Presidential Anti-Corruption Com­mission (PACC), aabot sa 200 opisyal ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang kanilang iniimbestigahan dahil sa isyu ng korupsiyon.

 

Kabilang sa kanilang mga tinatalupan ay mga opisyal mula sa Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

 

Kaugnay nito, aabot umano sa 2,500 kaso na ang natanggap ng PACC kung saan 1,000 na ang naaksiyunan habang ang 1,000 ay na-dismissed dahil sa kawalan ng ebidensiya. Nasa 40 opisya­les naman ang nakasuhan na sa Office of the Ombudsman.

 

Mula sa mga ito, ang mga kawani ng BOC ang may pinakama­raming nakasuhan sa Ombudsman na sinundan ng BIR, DPWH at DENR.

 

Umaasa tayong hindi matatapos ang laban sa korupsiyon. Napakalaking pera na para sana sa taumbayan ang napupunta lang sa bulsa ng iilan.

 

Ang masaklap, ‘yung mga may bahid, sila pa ang nabibigyan ng posisyon at lalong nagkakaroon ng kapangyarihan.

 

Siguro, ang mainam na gawin ay tukuyin ang ugat. Kanino sila humuhugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha para mangurakot?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr