Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga isnatser, holdaper at akyat-bahay, ubos na, mga pulis na iskalawas, paubos na rin !

August 16, 2019

KA AMBO / BISTADO

 

 

 

     

 

 

 

BANTAY-SARADO raw ang Manaoag Church sa Pangasinan.

 

Iba na ang nag-iingat sa banta ng terorismo!

 

◘◘◘

 

BUKOD sa Pang­a­sinan, maraming shrines o Simbahang-Katolika rin ang dina­ragsa ng mga nama­manata.

 

Kabilang ang sik­sikan sa Quiapo Church tuwing Biyernes at Redemptorist Church sa Baclaran tuwing Miyerkules.

 

Pero, kalmante lang ang mga deboto sa gitna ng ulat ng terorismo!

 

◘◘◘

 

KAMPANTE ang mga deboto dahil sa mga nagkalat na pulis na nagbabantay sa paligid at may tiwala silang nagtatrabaho ang mga ito ng 24/7.

 

Ito ang dahilan kaya kinilala ang NCRPO bilang Best Regional Police Office sa buong bansa sa katatapos na 118th Police Service Anniversary, kamaka­ilan!

 

◘◘◘

 

SA itinagal-tagal nang panahon, ngayon lamang nakopo ng NCRPO ang naturang pagkilala.

 

Sobrang lawak kasi ng Metro Manila na binubuo ng 5 Police Districts na may 28,000 pulis.

 

Mahirap disipli­nahin ang ganito kalaking teritoryo at maraming tauhan!

 

◘◘◘

 

BUMABA nang may 58 percent ang volume ng kriminalidad sa Me­tro Manila sa 3 taong termino ni P-Digong.

 

Aktuwal na nasak­si­han ng mga taga-Metro Manila ang pag­kawala ng holda­per sa dyip, taxi at bus bukod sa nabawasan ang ulat ng isnatsing o akyat-bahay!

 

◘◘◘

 

PARANG hindi na­tutulog si NCRPO Director General Guil­lermo Eleazar na agad sumusugod sa lugar ng insidente kahit pa ang mga parak o dating pulis ang nasasangkot sa krimen at iba pang kabulastugan.

 

Marami na siyang nasibak, nasuspinde at nakutusang iskala­wags kaya nadidisip­lina na ang kapulisan!

 

◘◘◘

 

ANG mahigpit na disiplina sa kapulisan ay nagreresulta ng magan­dang reputasyon at epektibong performance.

 

Ito ay kredito mis­mo ng Duterte admi­nistration kaya nana­natiling mataas ang satisfactory at appro­val ng Malacañang!

 

◘◘◘

 

BAGAMAN, ikina­kalat ang hindi beripi­ka­dong banta ng teroris­mo, patuloy na nagba­bantay ang kapulisan.

 

Nagbalik na ang tiwala ng mamamayan sa kanila.

 

Ito ay kasabay ng epektibong kampanya kontra illegal drugs!

 

◘◘◘

 

NAPATUNAYAN ni P-Digong na ang mga gumagawa ng krimen ay ang mga adik at pusher.

 

Ang ilan sa mga nagtutulak at nagbibigay ng proteksiyon ay ang ilang tiwaling pulis, mababa man ang ranggo o mga heneral.

 

Pero, ang lahat ay niresolba ng pulisya —inaresto ang mga pusher—pulis man siya o hindi!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr