MAGPAPATIBAY NG PULSO ANG PINOY PINTOPPLERS SA WBWC

August 16, 2019

 

GUGULONG na ang kampanya ng halos 200 lady bowlers na kakatawan sa mahigit 30 bansa, kabilang na ang Pilipinas, simula Agosto 22 sa prestihiyosong 2019 World Bowling Women’s Championships sa palaru­an ng South Point Bowling Plaza sa Las Vegas, Nevada.

 

Nag-aambisyong makahablot ang Pilipinas ng malaking bahagi ng centerstage sa kompetisyong magkakaloob ng gantimpala sa bakbakang singles, doubles, trio, team of 5 at masters. Sa tatag ng pulso nina Lara Posa­das-Wong, Liza Del Rosario, Bea Hernandez, Rachelle Leon, Dyan Coronacion at Alexis Sy nakasalalay ang pagwagayway ng tatlong kulay ng bandila ng bansa. Matinding paggabay ang inaasahan mula kina Bong Coo (team manager), Engelberto Rivera (coach) at Josephine Canare (coach). Bitbit ng mga Pinay papunta sa malupit na kompe­tisyong isinasaayos ng World Bowling ang kinang ng mga kampanya sa loob at labas ng Pilipinas. Si Posa­das-Wong sa kasalukuyan ang tuma­trangko sa Asian Bowling Federation (ABF) Tour.

 

Sariwa rin siya sa pagkopo ng korona sa kanyang pinakaunang kampeonato sa ABF Tour nang mapagwagian ang Hong Kong Leg kama­kailan. Bukod sa Pilipinas, kasali rin ang mga pintopplers mula sa mga power­house bowling countries na Hong Kong, Japan, Korea, Malaysia, Singapore, Sweden, Finland, England at ang host USA.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.