KAMPIHAN NG GO-FOR-GOLD AT GILAS SA FIBA, ROROLYO

August 16, 2019

 

DAGDAG-PAMPAINIT sa basketball Pinoy fans ang target na isagawa ng Go-For-Gold Philippines sa nalalapit na FIBA World Cup 2019.

 

Bilang ka-partner ng Gilas Pilipinas, aayuda ang GFG ng suporta sa promosyon ng kompetisyong nilalahukan ng pinakamalulupet na basketbolista sa buong mundo hanggang Hunyo 30, 2020.

 

“The theme would be to support our Gilas Pilipinas men’s basketball team in the FIBA World Cup and hopefully, the Philippines does well in the tournament,’’ ayon kay Go-For-Gold godfather Jeremy Go.

 

Ikalawang FIBA World Cup na ito ng Gilas na hawak ni head coach Yeng Guiao na hinugot ang players mula sa PBA stars na ang pakay ay maabot ang 2nd round game. Hihikayat ang GFG ng mga interesadong manood ng national basketball team mula sa dalawang raffle ticket na ipamimigay para mapanood ng live ang Gilas squad laban sa Angola sa elimination round sa Setyembre 4 sa Foshan, China. (MC) 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.