Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Isla ng boracay, nililinis ng mga pinoy, binababoy ng mga turista

August 16, 2019

MS. KORINA SANCHEZ / ISYUNG 'K'

 

 

 

  

 

NILILINIS natin ang Isla ng Boracay tapos bababuyin lang ng mga turista?

 

Kamakailan, nag-viral sa social media ang video kung saan pinadudumi ng turista ang kanyang anak sa mismong dalampasigan ng isla, samantalang, sa isa pang bahagi ng video, makikitang ibinabaon na ang gamit na diaper sa buhanginan. Tsk!

 

Kaugnay nito, pansamantalang isinara ang Station 1 kung saan naganap ang diumano’y pambababoy sa isla, kasunod nito ay ipinagbawal na rin ang paglangoy doon upang ma-examine ang tubig sa bahaging ‘yun ng isla, sino ba ang may gusto niyan?

 

Samantala, inaalam na ngayon kung sino ang turista sa nasabing video. Ang tanong naman natin ngayon, bakit hindi sinaway ng kumuha ng video ang ginawang pambababoy? Mas mahalaga bang ikalat ito sa social media kaysa sitahin ang salarin at panatilihing malinis ang kapaligiran? Hindi ba, may “sin of commission” at “sin of omission”, baka puwedeng itanong sa kumuha ng video kung anong nasyunalidad ng turista para mapadali ang paghahanap ng mga awtoridad?

 

Matatandaang, anim na buwan ipinasara ang isla para sa rehabilitasyon nito kung saan hindi biro ang nangyaring paglilinis kaya ang ganitong insidente ay nakadidismaya talaga!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr