Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ipinasususpinde ng mga PAO lawyers sa Ombudsman | FAKE NEWS! — CHIEF ACOSTA

August 16, 2019

 

“’YUNG ginagamit na manifestation sa Ombudsman ay fake news at demolition job against PAO. Walang pirma at names ang sinasabing PAO attorneys. Kaya fictitious. You can be charged of use of falsified document crime under Revised Penal Article 172.”

 

Ito ang reaksiyon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta kaugnay ng umano’y pagpapasuspinde sa kanya ng mga PAO lawyers sa Ombudsman.

 

Samantala, hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y panawagan ng mga em­pleyado ng PAO na suspendi­hin ang kanilang pinuno dahil sa umano’y korupsiyon. 

 

Ito ay makaraang hilingin umano ng mga abogado ng PAO sa Ombudsman na imbestiga­han si Acosta at ang foren­sics expert na si Erwin Erfe dahil sa paggamit ng kontro­ber­siya hinggil sa Dengvaxia para makakuha ng dagdag na pondo.

 

“As a matter of policy, the President does not in­terfere in the work, function, (or) the activity of any cons­titutional body or any branch of the government. Let the law takes its course,” ani Presidential Spokesman Salvador sa press briefing sa Palasyo.

 

Ayon kay Panelo, kung mayroong kaso laban kay Acosta, hahayaan ng Mala­cañang na gawin ng Ombuds­man ang kanilang tungkulin. 

 

Sinabi rin ni Panelo na hanggang walang findings ng probable cause, nasa PAO chief pa rin ang tiwala ng pre­sidente. 

 

“Palagi naman ang pre­sidente hanggang walang findings of probable cause, palaging nandu’n ang trust. Pero ‘pag may probable cause na, ibang usapan ‘yun then there will suspension na galing sa Ombudsman, eh, hindi naman teritoryo ni presidente ‘yun, eh,” wika pa ni Panelo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr