Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Iba't ibang serbisyo, abangan sa inyong barangay!

August 16, 2019

ALVIN FELICIANO / PAG-ASA NG MASA

 

  

PATULOY lang ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa paglilibot upang mas marami pa ang maabot ng caravan natin sa buong probinsiya sa bansa. Masayang nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo ang komisyon sa maraming aspeto at pangangailangan ng mga maralitang Pilipino.

 

Tanong: Magandang araw sa inyo, Sir Alvin, nais kong malaman kung kailan ang caravan ninyo sa Pagadian dahil naba­litaan namin na kayo raw ay pupunta sa aming probinsiya kaya nais naming paghandaan upang makapila kami at makatanggap ng libreng gamot kung mayroon man?

 

Sagot

Maraming salamat sa inyong katanungan. Ang caravan sa Pagadian City ay magaganap ngayong ika-30 ng Agosto. Gaganapin ito sa Barangay Poblacion at ito ay magsisimula ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

 

Ang lahat ng maralitang Pilipino ay welcome sa caravan na ito. Ang programang ito ay bukas ang pinto para sa mga nais makatanggap ng serbisyo mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Isa lamang ito sa mga plano ng PCUP upang mabigyan ng pag-asa ang mga Pilipino sa pag-unlad. Hindi mapapagod ang PCUP para magbigay-daan sa lahat ng puwedeng maibigay na tulong sa komunidad ng mga maralita.

 

Tuluy-tuloy lang ang PCUP Caravan at antabayanan pa ito sa iba pang panig mula Luzon hanggang Mindanao, susuyurin ng komisyon ang mga lugar na dati ay hindi nabibigyan ng liwanag. Ang PCUP ang inyong magiging kasangga sa kahirapan.

 

Maaasahan ninyong ang PCUP ay palaging narito para magbigay ng serbisyong inyong kailangan.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr