Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hideout ng mga kidnaper nilusob, 1 todas

August 16, 2019

 

NAPATAY sa pakiki­pag­barilan ang isa sa mga miyembro ng Kidnap-for-Ransom (KFR) Group na isinasangkot din sa pagdukot ng ilang mga opisyal ng Bu­reau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang  pag­salakay ng mga  awtoridad sa kanilang hideout sa Ma­rilao, Bulacan.

 

Armado ng search war­rant, nilusob ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Na­tional Capital Region Police Of­fice (NCRPO), Police Re­­gional Office 3, PNP-Highway Patrol Group, Bulacan Provincial Police at  PNP Anti-Kidnapping Group ang pinagkukutaan ng grupo kung saan napatay ang 41-anyos na KFR mem­ber na si Leo dela Fuente, residente ng Cubao, Quezon City.

 

Bago tinunton ng pu­lisya ang hideout ni Dela Fuente nitong gabi ng Miyerkules sa Marilao, ilang serye rin ng pagsalakay ang ikinasa sa iba pang lugar kabilang sa Caloocan at San Jose del Monte City sa Bulacan.

 

Ayon kay NCRPO Chief Maj. Gen. Guil­lermo Eleazar, modus ng grupo ang mang­hingi ng pera mula sa mga biktima at kanilang kaanak.

 

Gumagamit pa umano ng uniporme ng PNP ang mga suspek at may mga ka­sabwat silang mga  AWOL na pulis.

 

Nakumpiska sa loob ng isa sa mga ba­hay ang 8 iba’t ibang uri ng armas na may mga bala habang sa mga sa­sakyang nadat­nan sa  lugar at may mga  nakuha ring  high powered firearms.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr