Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ginulat ang buong Korea, fans nagkagulo… BTS, 2 BUWANG MAGPAPAHINGA

August 16, 2019

Lee Vin Nia / K-BUZZ

 

 

 

  

Since the announcement last Monday that the phenomenal boy band BTS will take a 2-month hiatus break, it’s taking South Korea by storm at kabi-kabila ang nababasa naming reaksiyon, haka-haka’t mga opinyon tungkol dito.

 

Inanunsiyo ng management ng BTS na Big Hit Entertainment ang tungkol sa official break ng grupo para naman daw makapagpahinga ang mga miyembro who has been working non-stop since their debut 6 years ago.

 

Narito ang buong nilalaman ng announcement:

 

“Hello. This is Big Hit Entertainment.

 

“We would like to announce that for the first time since their debut, BTS will be going on an official and extended period of rest and relaxation.

 

“Today’s LOTTE DUTY FREE FAMILY CONCERT performance will mark the last scheduled event before the members prepare to take their vacations.

 

“The period of rest will be an opportunity for the member of BTS who have relentless driven themselves towards their goal since their debut, to recharge and prepare to present themselves anew as musicians and creators. This will also provide them with a chance to enjoy the ordinary lives of young people in their 20s, albeit briefly.

 

“During this time, the members will rest and charge in their own personal ways.

 

“Should you have chance to encounter with a member of BTS while they are on vacation, we ask that you show consideration for their need to rest and enjoy their private time off.

 

“BTS will return refreshed and recharged to return all the love you have and continue to show them. Thank you.”

 

After the announcement, nagkagulo na ang mga fans and everyone has their own opinion. But in fairness naman sa mga tunay na nagmamahal sa grupo, pabor sila sa bakasyon at marami sa kanila ang nagsabi na they really deserve it.

 

Inulan din ng milyun-milyong comments ang Twitter account ng BTS at halos lahat ay nagwi-wish na sana’y i-enjoy nila to the fullest ang kanilang bakasyon because they really deserve it. That day, nag-trending sa Twitter ang hashtag na #RestWellBTS.

 

Pero siyempre, napakarami ring labis na nalungkot dahil 2 months daw nilang hindi makikita ang kanilang idolo at sobrang mami-miss nila ang mga miyembro.

 

Sa mga online portals and Korean website, napakaraming artikulong naglalabasan kung ano raw kaya ang ginagawa ngayon ng mga miyembro. Saan daw kaya nagbabakasyon ang mga ito. May mga haka-hakang kani-kanya silang punta sa kani-kanilang hometown, at may nagsasabi na­man na baka may nilulutong solo-solo project ang mga ito.

 

And much to the delight of the fans, ang miyembrong si Jimin ay nagkaroon agad ng VLive livestream and connected with his fans a day after the announcement. Nai­pangako na kasi niya ito sa kanyang mga fans bago pa man ang announcement kaya tinupad naman niya.

 

Ang daming kuwento ni Jimin at sey niya, sa first day daw ng kanilang official break, he slept for 10 hours. Bumawi raw siya talaga ng tulog at nagising siya ng 4 PM.

 

“Shall I be honest? Totally honest? I woke up and it was 4 pm. I was sleeping the whole time, then I ate and came straight here.

 

“So I’m embarrassed. I didn’t know I would sleep this long. I think I slept like 10 hours today. I slept too much my back aches a lot,” pahayag ni Jimin.

 

Sinabi rin niyang wala pa raw siyang plano kung saan magbabakasyon at aniya ay nasa bahay lang siya so far.

 

“I heard that the official announcement for our vacation was released yesterday. But I have no plans so it’s a problem.

 

“Every time I get time to be alone, I don’t have much to do. I think I just waste time.

“I just play music and use my tablet to make songs and practice singing. I walk around, open the fridge, and just spend the day like that.

 

“I lay on the sofa and just play on my phone. Time passes by like that so I don’t know exactly what to do yet,” saad ni Jimin.

 

Inamin din ng idol na hindi siya sanay na nagbabakasyon nang matagal at feeling niya raw ay sayang ang oras.

 

Sa October nakatakdang mag-resume ang grupo ng kanilang Love Yourself: Speak Yourself Tour. They will conclude the tour with a performance in Saudi Arabia at sila ang kauna-kaunahang international band to have a solo concert sa nasabing bansa. Bukod dito, may tatlo rin silang concerts na gaganapin sa South Korea bago matapos ang taon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr