Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Enjoy-enjoy lang… SUNSHINE, UMAMING 3 BESES BINIGYAN NG SINGSING PERO NEVER INALOK NG KASAL NG BF

August 16, 2019

Beth Gelena / BULGARY FILES

 

 

 

MARAMI ang naka­pansin sa mga singsing na suot ni Sun­­shine Cruz nu’ng mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda.

 

May mga naghihi­na­lang isa raw sa mga singsing na suot ng ak­tres ay engage­ment ring na mula sa boy­friend nitong si Macky Mathay.

 

Para matigil ang bulung-bulungan, ipinaliwanag ni Sunshine ang istorya ng mga singsing na suot niya sa isang daliri.

 

Ani Sunshine, ang mga singsing daw na ‘yun ay iisang lalaki lang ang may bigay, ang kanyang boyfriend na si Macky.

 

Ang unang singsing ay promise ring na bigay ni Macky nu’ng birthday niya, na parehong araw noong maging sila. Eternity ring naman nu’ng second anniversary.

 

“Eto namang third ring, ibinigay niya sa akin last July 18, nu’ng nag-42 ako. It was my birthday,” esplika ng aktres.

 

Hinggil naman kung magpapakasal na ang dalawa, “Nu’ng February lang talaga naging malinis ‘yung annulment ko. So, I’m enjoying my time with my children, with work. And okay naman kami sa setup namin. We see each other every other weekends kasi very busy din siya with his work with Mayor Francis Zamora,” paliwanag ng aktres.

 

Pero kung destiny daw talaga nila ang isa’t isa ay mangyayari ang kasal in God’s time.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr