Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bora, ginawang toilet ng turista, Palasyo naalarma

August 16, 2019

RYAN B. SISON / BOSES

 

   

 

 

TOURIST spot nga ba talaga? Ito ang ta­nong ng netizens matapos kumalat sa socmed ang video ng foreigner na ginawang instant CR ang Isla ng Boracay.

 

Kuwento ng nag-post na bakasyunista, nagtatampisaw sila sa Station 1 nang makita ng kanyang mga kaibigan ang dayuhan na pinadurumi ang anak sa buhangin.

 

Sa video, makikitang inalalayan ng fo­reigner ang bata sa paglalabas ng dumi sa baybayin ng dagat at pagkatapos nito ay tinakpan ang dumi gamit ang buhangin. Sa halip na sawayin, sinundan pa umano ng lola ng bata ang mag-ina para hugasan ang pinagdumihang underwear nito.

 

Ayon sa mga awtoridad, saklaw sa Mu­nicipal Ordinance Number 311 o Anti-Littering Law sa bayan ng Malay sa  Aklan  ang pag­dumi, pag-ihi at pagdura sa mga  pampubli­kong lugar tulad ng Boracay Island at dahil menor-de-edad ang bata, ang ina ang ma­nanagot sa pagpapabaya nito sa kanyang anak.

 

Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya ang Palasyo nang makarating sa kanila ang viral video. 

 

Hirit ni Presidential Spokesperson Salva­dor Panelo, magpakalat ng  portable  toilets para hindi mahirapan ang mga turista, ga­yundin, papayuhan nila ang mga ito na sundin ang mga batas sa bansa.

 

Sa totoo lang, nakababahala ang inasal ng mga turista dahil tila ginawa nitong CR ang isa sa mga itinuturing na tourist spots sa ban­sa.

 

Pero, paalala sa lahat, may rules and re­gu­lations ang bawat lugar sa  Pilipinas kung saan inaasahan na sundin ito, anuman ang nasyu­nalidad ng bawat isa.

 

Ipakita nating hindi dapat dumihan ninu­man ang islang ipinagmamalaki natin, pero hindi lamang Isla ng Boracay ang dapat na­ting panatilihing malinis kundi ang buong bansa na rin.

 

Kaya ang panawagan sa  publiko, turista man o hindi, maging responsable sa paligid dahil kung tutuusin, hindi natin ito pag-aari at dapat respetuhin ang anumang batas na ipinatutupad dito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr